-
Mga Tanong Mula sa mga MambabasaAng Bantayan—2004 | Disyembre 1
-
-
Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
Bakit sinabihan ng binuhay-muling si Jesus na hipuin siya ni Tomas gayong bago ang pangyayaring ito ay pinigilan Niya si Maria Magdalena na gawin ito?
Ipinahihiwatig ng mas matatandang salin ng Bibliya na sinabihan ni Jesus si Maria Magdalena na huwag siyang hipuin. Halimbawa, ganito ang salin ng Ang Biblia sa pananalita ni Jesus: “Huwag mo akong hipuin; sapagkat hindi pa ako nakakaakyat sa Ama.” (Juan 20:17) Gayunman, ang orihinal na pandiwang Griego, na kadalasang isinasalin na “hipuin,” ay nangangahulugan ding “kumapit sa, mangunyapit sa, sunggaban sa, hawakan nang mahigpit, tanganan.” Makatuwiran lamang, hindi tinututulan ni Jesus ang paghipo ni Maria Magdalena sa kaniya, yamang di-nagtagal pagkatapos nito ay pinahintulutan niya ang ibang kababaihang nasa libingan na ‘hawakan siya sa kaniyang mga paa.’—Mateo 28:9.
Maraming salin sa makabagong wika, gaya ng Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan, The New Jerusalem Bible, at The New English Bible, ang tumutulong sa atin na maunawaan ang tunay na kahulugan ng pananalita ni Jesus. Ganito ang mababasa sa gayong mga salin: “Huwag kang kumapit sa akin.” Bakit ito sinabi ni Jesus kay Maria Magdalena, na isang malapít niyang kasamahan?—Lucas 8:1-3.
Malamang na nangangamba si Maria Magdalena na si Jesus ay aalis at aakyat na sa langit. Palibhasa’y gustung-gusto niyang makasama ang kaniyang Panginoon, hinahawakan niya nang mahigpit si Jesus upang hindi ito makaalis. Upang tiyakin sa kaniya na hindi pa siya aalis, inutusan ni Jesus si Maria na huwag kumapit sa kaniya kundi sa halip ay pumaroon sa kaniyang mga alagad at ibalita sa kanila ang hinggil sa kaniyang pagkabuhay-muli.—Juan 20:17.
-
-
Mga Tanong Mula sa mga MambabasaAng Bantayan—2004 | Disyembre 1
-
-
Kaya, sa kaso ni Maria Magdalena, ipinakikita ni Jesus na walang dahilan upang pigilin siya sa pag-alis; sa kaso naman ni Tomas, tinutulungan ni Jesus ang isa na nag-aalinlangan. Sa dalawang pagkakataong ito, makatuwiran ang naging pagkilos ni Jesus.
-