Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Paano Tayo Maililigtas ng Pantubos?
    Ang Bantayan—2010 | Agosto 15
    • Inililigtas Mula sa Poot ng Diyos

      4, 5. Ano ang nagpapatunay na ang poot ng Diyos ay nananatili sa masamang sistemang ito?

      4 Pinatutunayan ng Bibliya at ng mga pangyayari sa kasaysayan na ang poot ng Diyos ay ‘nanatili’ sa mga tao mula nang magkasala si Adan. (Juan 3:36) Sa katunayan, walang sinuman ang makakatakas sa kamatayan. Wala man lang magawa ang pamamahala ni Satanas para ingatan ang tao mula sa masasamang pangyayari, at walang gobyerno ng tao ang nakapaglalaan ng pangunahing pangangailangan ng mga sakop nito. (1 Juan 5:19) Kaya ang tao ay patuloy na sinasalot ng digmaan, krimen, at kahirapan.

  • Paano Tayo Maililigtas ng Pantubos?
    Ang Bantayan—2010 | Agosto 15
    • 7 Sinabi ni Pablo na ‘inililigtas tayo ni Jesus mula sa poot na dumarating.’ (1 Tes. 1:10) Ang huling kapahayagang ito ng galit ni Jehova ay hahantong sa walang-hanggang pagkapuksa ng mga di-nagsisising makasalanan. (2 Tes. 1:6-9) Sino ang makakatakas? Sinasabi ng Bibliya: “Siya na nananampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; siya na sumusuway sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Diyos ay nananatili sa kaniya.” (Juan 3:36) Oo, sa pagwawakas ng sistemang ito, lahat ng nananampalataya kay Jesus at sa pantubos ay makakaligtas sa huling araw ng poot ng Diyos.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share