Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Samaritano
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang terminong “mga Samaritano” ay unang lumitaw sa Kasulatan pagkatapos na malupig ang sampung-tribong kaharian ng Samaria noong 740 B.C.E.; ikinapit ito sa mga naninirahan sa hilagang kaharian bago ang panlulupig na iyon upang mapaiba sila sa mga banyagang dinala roon nang dakong huli mula sa ibang mga bahagi ng Imperyo ng Asirya. (2Ha 17:29) Waring hindi inalis ng mga Asiryano ang lahat ng mga Israelitang naninirahan sa Samaria, sapagkat ipinahihiwatig ng ulat sa 2 Cronica 34:6-9 (ihambing ang 2Ha 23:19, 20) na noong panahon ng paghahari ni Haring Josias ay may mga Israelita pa rin sa lupaing ito. Sa kalaunan, ang terminong “mga Samaritano” ay nangahulugang mga inapo ng mga naiwan sa Samaria at ng mga dinala roon ng mga Asiryano. Kaya naman tiyak na ang ilan sa mga ito’y mga anak sa pakikipag-asawa sa banyaga. Nang maglaon pa, ang pangalang ito’y mas nagkaroon ng relihiyosong kahulugan. Ang “Samaritano” ay tumukoy sa isang miyembro ng sektang lumaganap sa sinaunang Sikem at Samaria at nanghahawakan sa mga paniniwalang ibang-iba sa Judaismo.​—Ju 4:9.

  • Samaritano
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Itinuturing ng ilan na ang pagtatayo ng templong Samaritano sa Bundok Gerizim (marahil noong ikaapat na siglo B.C.E.) bilang kakompetensiya ng templo sa Jerusalem ay hudyat ng tuluyang paghihiwalay ng mga Judio at ng mga Samaritano. Ipinapalagay naman ng iba na ang pagkaputol ng kanilang ugnayan ay naganap pagkaraan pa ng mahigit sa isang siglo. Nang pasimulan ni Jesus ang kaniyang ministeryo, hindi pa napapawi ang hidwaan ng dalawa, bagaman ang templo sa Gerizim ay nawasak mga isa’t kalahating siglo na ang nakararaan. (Ju 4:9) Ang mga Samaritano ay sumasamba pa rin sa Bundok Gerizim (Ju 4:20-23), at minamaliit sila ng mga Judio. (Ju 8:48) Kaya naman, dahil sa mapanghamak na saloobing ito ng mga Judio, naging mariin ang punto ni Jesus sa kaniyang ilustrasyon tungkol sa madamaying Samaritano.​—Luc 10:29-37.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share