Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang mga Babaing Kristiyano ay Karapat-dapat sa Karangalan at Paggalang
    Ang Bantayan—1995 | Hulyo 15
    • 1, 2. (a) Anong pagkabahala ang ibinangon ng pakikipag-usap ni Jesus sa isang Samaritana na nasa may balon, at bakit? (Tingnan din ang talababa.) (b) Sa pangangaral sa Samaritana, ano ang ipinakita ni Jesus?

      SA SINAUNANG balon malapit sa lunsod ng Sicar isang hapon sa bandang katapusan ng 30 C.E., isiniwalat ni Jesus ang inaakala niyang nararapat na pagtrato sa mga kababaihan. Ginugol niya ang umaga sa pag-ahon sa maburol na lalawigan ng Samaria at siya’y dumating sa balon nang hapung-hapo, nagugutom, at nauuhaw. Nang siya’y makaupo sa tabi ng balon, isang Samaritana ang lumapit upang sumalok ng tubig. “Bigyan mo ako ng maiinom,” ang sabi ni Jesus sa kaniya. Marahil ay takang-taka ang babae na napatitig sa kaniya. Siya’y nagtanong: “Paano ngang ikaw, sa kabila ng pagiging isang Judio, ay humihingi sa akin ng maiinom, gayong ako ay isang babaing Samaritana?” Pagkaraan, nang makabalik ang kaniyang mga alagad buhat sa pagbili ng pagkain, sila’y nagulat, anupat nagtataka kung bakit si Jesus ay “nakikipag-usap sa isang babae.”​—Juan 4:4-9, 27.

      2 Ano ang nag-udyok sa pagtatanong na ito ng babae at sa pagkabahala ng mga alagad? Siya ay isang Samaritana, at ang mga Judio ay walang pakikipag-ugnayan sa mga Samaritano. (Juan 8:48) Subalit maliwanag na mayroon pang ibang dahilan sa pagkabahalang ito. Nang panahong iyon, ang rabinikong mga tradisyon ay humahadlang sa mga lalaki na makipag-usap nang hayagan sa mga kababaihan.a Gayunman, hayagang nangaral si Jesus sa taimtim na babaing ito, anupat isiniwalat pa man din sa kaniya na siya ang Mesiyas. (Juan 4:25, 26) Sa gayo’y ipinakita ni Jesus na siya ay hindi mapipigil ng di-maka-Kasulatang mga tradisyon, kasali na yaong humahamak sa mga kababaihan. (Marcos 7:9-13) Sa kabaligtaran, sa pamamagitan ng kaniyang ginawa at itinuro, ipinakita ni Jesus na ang mga kababaihan ay nararapat pakitunguhan nang may karangalan at paggalang.

  • Ang mga Babaing Kristiyano ay Karapat-dapat sa Karangalan at Paggalang
    Ang Bantayan—1995 | Hulyo 15
    • a Ganito ang paliwanag ng The International Standard Bible Encyclopedia: “Ang mga kababaihan ay hindi kumakain na kasama ng mga lalaking panauhin, at ang mga lalaki ay hinahadlangan na makipag-usap sa mga babae. . . . Ang pakikipag-usap sa isang babae sa isang pampublikong lugar ay lalo nang kahiya-hiya.” Ganito ang payo ng Judiong Mishnah, isang koleksiyon ng mga rabinikong turo: “Huwag gaanong makipag-usap sa mga kababaihan. . . . Siya na madalas makipag-usap sa mga kababaihan ay nagdudulot ng kasamaan sa kaniyang sarili at kinaliligtaan ang pag-aaral ng Batas at sa wakas ay magmamana ng Gehenna.”​—Aboth 1:5.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share