-
“Isinugo Ako Para Dito”Halika Maging Tagasunod Kita
-
-
19, 20. Anong ilustrasyon ang ginamit ni Jesus para ipakitang apurahan ang pangangaral?
19 Ikatlo, naging masigasig si Jesus sa pangangaral dahil alam niyang apurahan ito. Naalala mo ba nang kausapin niya ang isang Samaritana sa tabi ng balon sa labas ng Sicar? Nang pagkakataong iyon, hindi naisip ng mga apostol na apurahan ang pangangaral ng mabuting balita. Pero sinabi ni Jesus sa kanila: “Hindi ba sinasabi ninyo na may apat na buwan pa bago ang pag-aani? Pero tingnan ninyo! Ang bukirin ay maputi na para sa pag-aani.”—Juan 4:35.
20 Bakit iyon ang ginamit ni Jesus na ilustrasyon? Posibleng buwan noon ng Kislev (Nobyembre/Disyembre). Apat na buwan pa bago ang pag-aani ng sebada, sa panahon ng Paskuwa, Nisan 14. Hindi pa kailangan ng mga magsasaka noon na mag-apura sa pag-aani. Marami pa silang panahon. Pero ibang pag-aani ang tinutukoy ni Jesus. Pag-aani ito ng mga tao para maging tagasunod niya. Ito na ba ang tamang panahon? Maraming tao ang handang makinig, matuto, maging alagad ni Kristo, at magkaroon ng pag-asang ibinibigay ni Jehova sa kanila. Parang may nakikita si Jesus na makasagisag na bukirin. Namumuti na ito dahil sa mga butil na sumasabay sa hangin. Ibig sabihin, panahon na ng pag-aani.c Napakaapurahan ng gawain! Dahil dito, nang pigilan si Jesus ng mga tao na umalis ng lunsod, sinabi niya: “Dapat ko ring ihayag sa ibang lunsod ang mabuting balita ng Kaharian ng Diyos dahil isinugo ako para dito.”—Lucas 4:43.
-
-
“Isinugo Ako Para Dito”Halika Maging Tagasunod Kita
-
-
c Sinabi ng isang reperensiya tungkol sa talatang ito: “Kapag hinog na ang butil, nagbabago ang kulay nito. Mula berde, nagiging dilaw, o mapusyaw na dilaw, ang kulay nito. Ibig sabihin, puwede na itong anihin.”
-