Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Matututo Ka ba Buhat sa mga Lagay ng Panahon?
    Ang Bantayan—1990 | Setyembre 1
    • Ito’y maaaring makaapekto sa pangmalas mo sa mga pangyayari na tinutukoy sa Bibliya. Marahil ay mababasa mo ang tungkol sa paghirang ni Elias sa kaniyang kahalili: “Kaniyang . . . nasumpungan si Eliseo na anak ni Shaphat samantalang siya ay nag-aararo na may labindalawang parehang baka sa unahan niya.” (1 Hari 19:19) Sa palagay mo’y anong buwan naganap iyan, at ano kaya ang hitsura ng lupain? At sa Juan 4:35, ay sinabi ni Jesus: “Hindi baga sinasabi ninyo na may apat na buwan pa bago dumating ang pag-aani? . . . Itanaw ninyo ang inyong mga mata at malasin ang kabukiran, na maputi na upang anihin.” Bagaman tumukoy siya ng isang tiyak na panahon, nauunawaan mo ba kung kailan?

  • Matututo Ka ba Buhat sa mga Lagay ng Panahon?
    Ang Bantayan—1990 | Setyembre 1
    • At kailan sinabi ni Jesus ang mga pananalita sa Juan 4:35? Ang pag-aani ay apat na buwan pa ang layo. Pansinin na ang pag-aani ng sebada ay nagsimula sa Nisan (Marso-Abril), humigit-kumulang panahon ng Paskua. Bumilang ka ng apat na buwan pabalik. Papatak iyon sa Chislev (Nobyembre-Disyembre). Dumadalas ang ulan, aasahan ang lalong malalakas na ulan at matinding lamig ng panahon. Samakatuwid malinaw na ang tinutukoy ni Jesus ay isang makasagisag na pag-aani nang kaniyang sabihin: “Itanaw ninyo ang inyong mga mata at malasin ang kabukiran, na ang mga ito ay mapuputi na upang anihin.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share