Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ano ang Kapahingahan ng Diyos?
    Ang Bantayan—2011 | Hulyo 15
    • 3. Paano ipinahihiwatig ng mga salita ni Jesus sa Juan 5:16, 17 na nagpapatuloy pa ang ikapitong araw noong unang siglo?

      3 May dalawang dahilan kung bakit masasabi natin na nagpapatuloy pa ang ikapitong araw noong unang siglo C.E. Una, pansinin ang sinabi ni Jesus sa mga pumuna sa ginawa niyang pagpapagaling sa araw ng Sabbath. Sinabi sa kanila ng Panginoon: “Ang aking Ama ay patuloy na gumagawa hanggang ngayon, at ako ay patuloy na gumagawa.” (Juan 5:16, 17) Bakit niya sinabi ito? Pinaratangan noon si Jesus ng pagtatrabaho sa araw ng Sabbath. Kaya nang sabihin niya, “Ang aking Ama ay patuloy na gumagawa,” pinabulaanan niya ang paratang na iyon. Para bang sinasabi ni Jesus sa mga pumupuna sa kaniya: ‘Pareho kami ng gawain ng aking Ama. Yamang ang aking Ama ay patuloy na gumagawa sa panahon ng kaniyang Sabbath na libu-libong taon ang haba, maaari din akong patuloy na gumawa, kahit sa araw ng Sabbath.’ Kaya naman ipinahiwatig ni Jesus na kung tungkol sa layunin ng Diyos sa lupa, hindi pa tapós noong panahon niya ang ikapitong araw, o dakilang araw ng Sabbath na kapahingahan ng Diyos.a

  • Ano ang Kapahingahan ng Diyos?
    Ang Bantayan—2011 | Hulyo 15
    • 5. Ano ang layunin ng ikapitong araw, at kailan lubusang maisasakatuparan ang layuning iyan?

      5 Para masagot iyan, tandaan natin ang layunin ng ikapitong araw. Ipinaliliwanag ito ng Genesis 2:3: “Pinasimulang pagpalain ng Diyos ang ikapitong araw at ginawa itong sagrado.” Ang ikapitong araw ay ‘ginawang sagrado’​—pinabanal, o itinalaga, ni Jehova​—para maisakatuparan ang kaniyang layunin. Layunin niya na ang lupa ay panirahan ng masunuring mga tao na mag-aalaga rito at sa lahat ng nabubuhay rito. (Gen. 1:28) Ang Diyos na Jehova at si Jesu-Kristo, ang “Panginoon ng sabbath,” ay “patuloy na gumagawa hanggang ngayon” para matupad ang layuning iyan. (Mat. 12:8) Magpapatuloy ang araw ng kapahingahan ng Diyos hanggang sa lubusang maisakatuparan ang layunin niya sa katapusan ng Sanlibong Taóng Paghahari ni Kristo.

  • Ano ang Kapahingahan ng Diyos?
    Ang Bantayan—2011 | Hulyo 15
    • a Tuwing araw ng Sabbath, ang mga saserdote at mga Levita ay nagtatrabaho sa templo at “nananatiling walang-sala.” Bilang mataas na saserdote ng dakilang espirituwal na templo ng Diyos, maaari ding isagawa ni Jesus ang kaniyang atas mula sa Diyos nang hindi nalalabag ang Sabbath.​—Mat. 12:5, 6.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share