-
Mula sa Seder Hanggang sa KaligtasanAng Bantayan—1990 | Pebrero 15
-
-
13, 14. Papaanong nagliligtas-buhay ang dugo ni Jesus at kailangan para sa kaligtasan? (Efeso 1:13)
13 Ang dugo ay kasangkot din sa kaligtasan sa ngayon—ang itinigis na dugo ni Jesus. Nang “ang paskuwa, ang kapistahan ng mga Judio, ay malapit na” noong 32 C.E., sinabi ni Jesus sa isang lubhang karamihan: “Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang-hanggan, at siya’y aking bubuhaying-muli sa huling araw; sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin.” (Juan 6:4, 54, 55) Ang sasaisip ng lahat ng kaniyang mga tagapakinig na Judio ay ang napipintong Paskuwa at na dugo ng isang kordero ang ginamit sa Ehipto.
14 Noon ay hindi ang mga emblemang ginagamit sa Hapunan ng Panginoon ang tinatalakay ni Jesus. Ang bagong selebrasyong iyan para sa mga Kristiyano ay hindi itinatag kundi pagkalipas pa noon ng isang taon, kaya maging ang mga apostol man na nakapakinig kay Jesus noong 32 C.E. ay walang alam na anuman tungkol doon. Gayunman, ipinakikita noon ni Jesus na ang kaniyang dugo ay kailangan para sa walang-hanggang kaligtasan. Ipinaliwanag ni Pablo: “Sa pamamagitan niya’y may katubusan tayo dahil sa pagtubos sa pamamagitan ng dugo ng isang iyon, oo, ang kapatawaran ng ating mga pagkakasala, ayon sa kayamanan ng kaniyang di-sana-nararapat na kagandahang-loob.” (Efeso 1:7) Tangi lamang sa pamamagitan ng pagpapatawad sa atin salig sa dugo ni Jesus maaari tayong mabuhay magpakailanman.
-
-
Mula sa Seder Hanggang sa KaligtasanAng Bantayan—1990 | Pebrero 15
-
-
15. Para sa mga Hebreo sa Ehipto, anong kaligtasan at mga pribilehiyo ang naging posible, at ano ang hindi naging posible? (1 Corinto 10:1-5)
15 Isa lamang limitadong kaligtasan ang naging posible sa sinaunang Ehipto. Walang sinumang lumisan sa Ehipto ang umasang bibigyan ng walang-hanggang buhay pagkatapos ng Exodo. Totoo, inatasan ng Diyos ang mga Levita upang maging mga saserdote para sa bansa, at ang ilan sa mga nasa tribo ni Juda ay naging pansamantalang mga hari, subalit lahat na ito ay nangamatay. (Gawa 2:29; Hebreo 7:11, 23, 27) Bagaman ang “haluang karamihan” na lumisan sa Ehipto ay wala ng mga pribilehiyong iyon, sila, kasama ng mga Hebreo, ay makaaasang sasapit sa Lupang Pangako at magtatamasa ng isang normal na buhay na kalakip ang pagsamba sa Diyos. Gayunman, ang mga lingkod ni Jehova bago ng panahong Kristiyano ay may saligan para sa pag-asang, sa takdang panahon, sila’y magtatamo ng walang-hanggang buhay sa lupa, na kung saan nilayon ng Diyos na mamuhay ang tao. Ito’y kasuwato ng pangako ni Jesus na nasa Juan 6:54.
16. Anong uri ng kaligtasan ang maaaring asahan ng sinaunang mga lingkod ng Diyos?
16 Ginamit ng Diyos ang ilan sa kaniyang sinaunang mga lingkod upang sumulat ng kinasihang mga pananalita tungkol sa pagkalalang sa lupa upang tahanan at tungkol sa mga matuwid na mabubuhay magpakailanman dito. (Awit 37:9-11; Kawikaan 2:21, 22; Isaias 45:18) Ngunit, papaanong ang mga tunay na mananamba ay magkakamit ng gayong kaligtasan kung sila’y mamatay? Sa pamamagitan ng muling pagbuhay sa kanila sa lupa. Halimbawa, si Job ay nagpahayag ng pag-asa na siya’y aalalahanin at tatawagin upang muling mabuhay. (Job 14:13-15; Daniel 12:13) Maliwanag, ang isang anyo ng kaligtasan ay ang pagtatamasa ng buhay na walang-hanggan sa lupa.—Mateo 11:11.
-