Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Sila’y Nabigo ng Pagdakip sa Kaniya
    Ang Bantayan—1988 | Abril 15
    • Bilang tugon sa pagtuturo ni Jesus, may mga ibang nagsabi: “Tunay na ito ay Ang Propeta,” na maliwanag na ang tinutukoy ay ang propetang lalong dakila kaysa kay Moises na ipinangakong paparito. Ang iba naman ay nagsabi: “Ito ang Kristo.” Subalit ang iba’y tumutol: “Ano, sa Galilea baga manggagaling ang Kristo? Hindi baga sinasabi ng Kasulatan na ang Kristo ay mangaggaling sa lahi ni David, at mula sa Bethlehem na nayong kinaroonan ni David?”

  • Sila’y Nabigo ng Pagdakip sa Kaniya
    Ang Bantayan—1988 | Abril 15
    • Bagama’t hindi tuwirang sinasabi ng Kasulatan na may isang propetang manggagaling sa Galilea, ito’y tumutukoy sa Kristo bilang nanggagaling doon, anupa’t sinasabi na “isang dakilang liwanag” ang makikita sa rehiyon na ito. At salungat sa mga maling paniwala, si Jesus ay ipinanganak sa Bethlehem, at siya’y isang supling ni David. Bagama’t marahil ay alam ito ng mga Fariseo, malamang na sila ang may kagagawan ng pagpapalaganap ng mga maling paniwala na taglay ng mga tao tungkol kay Jesus. Juan 7:32-52; Isaias 9:1, 2; Mateo 4:13-17.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share