-
Ano ang Nangyayari Kapag Namatay Tayo?Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
-
-
3. Ang katotohanan tungkol sa kalagayan ng mga patay
Sa buong mundo, iba-iba ang paniniwala ng mga tao tungkol sa kalagayan ng mga patay. Pero hindi lahat ng iyon ay tama.
Ano ang paniniwala ng mga tao sa inyong lugar?
Para malaman kung ano talaga ang itinuturo ng Bibliya, panoorin ang VIDEO.
Basahin ang Eclesiastes 3:20. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:
Ayon sa teksto, ano ang nangyayari kapag namatay ang isang tao?
May humihiwalay ba sa kaniya na patuloy na nabubuhay?
May sinasabi ang Bibliya tungkol sa kamatayan ng kaibigan ni Jesus na si Lazaro. Habang binabasa mo ang Juan 11:11-14, pansinin ang sinabi ni Jesus na kalagayan ni Lazaro. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:
Saan ikinumpara ni Jesus ang kamatayan?
Ano ang itinuturo nito tungkol sa kalagayan ng mga patay?
Ano ang nararamdaman mo sa sinasabi ng Bibliya tungkol sa kamatayan?
-
-
Bubuhaying Muli ang mga Mahal Mo sa Buhay!Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
-
-
4. Pinatunayan ni Jesus na kaya niyang buhaying muli ang mga patay
Tingnan ang iba pang detalye nang buhaying muli ni Jesus ang kaibigan niyang si Lazaro. Basahin ang Juan 11:14, 38-44. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:
Paano natin nalaman na talagang patay na si Lazaro?—Tingnan ang talata 39.
Kung nasa langit na si Lazaro, sa tingin mo, kailangan pa ba siyang buhaying muli ni Jesus dito sa lupa?
-