Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Dugo—Mahalaga sa Buhay
    Papaano Maililigtas ng Dugo ang Inyong Buhay?
    • Pansinin ang nangyari (maraming taon pagkamatay ni Jesus) nang bumangon ang suliranin hinggil sa kung ang isang Kristiyano ay dapat sumunod sa lahat ng batas ng Israel. Tinalakay ito sa isang konsilyo ng lupong tagapamahala ng mga Kristiyano, na kinabilangan ng mga apostol. Si Santiago, kapatid-sa-ina ni Jesus, ay tumukoy sa mga kasulatan na bumabanggit ng mga utos sa dugo na ibinigay kay Noe at sa Israel. Kapit ba ito sa mga Kristiyano?—Gawa 15:​1-21.

      Ang desisyon ng konsilyo ay ipinadala sa lahat ng kongregasyon: Ang mga Kristiyano ay hindi saklaw ng batas na ibinigay kay Moises, subalit “kinakailangan” nila na “umiwas sa mga bagay na inihain sa diyusdiyosan at sa dugo at sa mga binigti [karneng hindi pinadugo] at sa pakikiapid.” (Gawa 15:​22-29) Hindi basta rituwal o ordinansa sa pagkain ang iniharap ng mga apostol. Ito ay mga saligang panuntunang moral na tinupad ng sinaunang mga Kristiyano. Mga sampung taon pagkaraan nito kinilala nila na dapat pa rin “[silang] umiwas sa mga inihain sa diyusdiyosan at sa dugo . . . at sa pakikiapid.”—Gawa 21:25.

      Milyun-milyon ang nagsisimba. Karamihan sa kanila ay tiyak na sasang-ayon na hindi bahagi ng Kristiyanong moralidad ang pagsamba sa mga idolo at ang imoralidad. Gayunman, dapat pansinin na ang pag-iwas sa dugo ay ipinantay ng mga apostol sa matayog na pamantayang moral na nagbabawal sa mga kasalanang ito. Ganito nagwakas ang kanilang desisyon: “Kung iiwasan ninyo ang mga ito, ay ikabubuti ninyo. Mabuting kalusugan sa inyo!”—Gawa 15:29.

      Matagal nang kinilala ang bisa ng apostolikong dekrito. Bumanggit si Eusebius tungkol sa isang dalaga na pinahirapan noong matatapos ang ikalawang siglo na, bago mamatay, ay nagsabi na ang mga Kristiyano “ay pinagbabawalan na kumain maging ng dugo ng walang-isip na mga hayop.” Hindi iginiit ng dalaga ang karapatan niya na mamatay. Gusto niyang mabuhay, ayaw lamang niyang ikompromiso ang kaniyang mga prinsipyo. Hindi ba kagalang-galang yaong mga inuuna ang prinsipyo imbes na ang personal na kaalwanan?

      Nagpasiya ang siyentipikong si Joseph Priestley: “Ang pagbabawal kay Noe na kumain ng dugo ay waring kumakapit sa lahat ng kaniyang magiging supling. . . . Kung ang pagbabawal ng mga apostol ay uunawain salig sa kaugalian ng sinaunang mga Kristiyano, at mahirap sabihin na hindi nila naunawaan ang kalikasan at saklaw nito, hindi natin maiiwasang ipasiya na ito’y nilayong maging ganap at walang-hanggan; sapagkat ang dugo ay hindi kinain ng alinmang Kristiyano sa loob ng maraming dantaon.”

  • Dugo—Mahalaga sa Buhay
    Papaano Maililigtas ng Dugo ang Inyong Buhay?
    • [Kahon sa pahina 4]

      “Ang mga panuntunan na itinakda sa tiyak at sistematikong paraan [sa Gawa 15] ay itinuring na kailangang-kailangan at, sa isipan ng mga apostol, ay naglalaan ng pinakamatibay na patotoo na ito ay hindi isang temporaryong kaayusan, o pansamantalang hakbang.”​—Propesor Édouard Reuss, Pamantasan ng Strasbourg.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share