-
Pakikipagkasundo sa Isa’t-Isa sa Pag-ibigMaaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa
-
-
8. (a) Anong suliranin ang bumangon sa pagitan nina Pablo at Bernabe? (b) Kung naroroon kayo at nasaksihan ang suliraning ito, ano kaya ang ipapasiya ninyo?
8 Noong minsan ay bumangon din ang di-pagkakaunawaan sa pagitan nina apostol Pablo at ng kasama niya sa paglalakbay na si Bernabe. Nang papaalis na sila sa kanilang ikalawang paglalakbay-misyonero, gustong ipagsama ni Bernabe ang pinsan niyang si Marcos. Gayunma’y ayaw isama ni Pablo si Marcos, palibhasa’y iniwan sila ni Marcos upang umuwi noong una nilang paglalakbay-misyonero. (Gawa 13:13) Sinasabi ng Bibliya: “Dahil dito’y nagkaroon sila ng mainit na pagtatalo, anupa’t naghiwalay sila sa isa’t-isa.” (Gawa 15:37-40) Akalain ninyo iyan! Kung naroroon kayo at nasaksihan ninyo ang “mainit na pagtatalo” na ito, sasabihin ba ninyong sina Pablo at Bernabe ay hindi bahagi ng organisasyon ng Diyos dahil sa paraan ng kanilang paggawi?
-
-
Pakikipagkasundo sa Isa’t-Isa sa Pag-ibigMaaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa
-
-
11. (a) Sa kabila ng kanilang mainit na pagtatalo, papaano ipinakita nina Pablo at Bernabe na sila’y tunay na mga Kristiyano? (b) Papaano tayo makikinabang sa kanilang halimbawa?
11 Kumusta naman ang problema sa pagitan nina Pablo at Bernabe? Nilutas din ito sa pamamagitan ng pag-ibig. Nang maglaon, sa liham niya sa kongregasyon sa Corinto, tinukoy niya si Bernabe bilang isang matalik na kamanggagawa. (1 Corinto 9:5, 6) At bagaman may katuwiran si Pablo sa pag-aalinlangan sa kakayahan ni Marcos bilang isang kasama sa paglalakbay, ang binatang ito ay sumulong rin sa pagkamaygulang anupa’t si Pablo ay nakasulat ng ganito kay Timoteo: “Dalhin mo si Marcos at ipagsama mo siya, sapagka’t nakakatulong siya sa akin sa paglilingkod.” (2 Timoteo 4:11) Makikinabang tayo sa halimbawang ito ng paglutas sa di-pagkakaunawaan.
-