-
Matuto Mula sa Pagiging Mapagbantay ng mga Apostol ni JesusAng Bantayan—2012 | Enero 15
-
-
4, 5. Paano inakay ng banal na espiritu si Pablo at ang kaniyang mga kasama?
4 Una, ang mga apostol ay mapagbantay sa tagubilin kung saan mangangaral. Sinasabi sa isang ulat kung paano ginamit ni Jesus ang banal na espiritu, na ibinigay sa kaniya ni Jehova, para gabayan si apostol Pablo at ang mga kasama nito sa isang naiibang paglalakbay. (Gawa 2:33) Repasuhin natin ito.—Basahin ang Gawa 16:6-10.
-
-
Matuto Mula sa Pagiging Mapagbantay ng mga Apostol ni JesusAng Bantayan—2012 | Enero 15
-
-
6, 7. (a) Ano ang nangyari kay Pablo at sa kaniyang mga kasama nang malapit na sila sa Bitinia? (b) Ano ang ipinasiya ng mga alagad, at ano ang resulta?
6 Saan pumunta si Pablo at ang kaniyang mga kasama? Ganito ang sabi ng talata 7: “Karagdagan pa, nang bumababa sa Misia ay sinikap nilang makaparoon sa Bitinia, ngunit hindi sila pinahintulutan ng espiritu ni Jesus.” Palibhasa’y pinigilang mangaral sa Asia, si Pablo at ang kaniyang mga kasama ay nag-iba ng direksiyon at naglakbay pahilaga upang makapangaral sa mga lunsod sa Bitinia. Pero nang malapit na sila roon, muling ginamit ni Jesus ang banal na espiritu para pigilan sila. Malamang na litung-lito na ang grupo ni Pablo. Alam nila kung ano ang ipangangaral at kung paano mangangaral, pero hindi nila alam kung saan sila mangangaral. Kinatok nila, wika nga, ang pintong papasók sa Asia—pero hindi ito bumukas. Kinatok nila ang pintong papasók sa Bitinia—pero hindi rin ito bumukas. Huminto ba sila sa pagkatok? Hindi! Walang nakapigil sa masisigasig na mángangarál na ito!
-