Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Paghampas, Pamamalo, Pambubugbog
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Mga pamalo ang ginamit ng mga Romano sa paghampas, anupat hinuhubaran muna nila ng mga panlabas na kasuutan ang mga hahampasin. (Gaw 16:22, 23) Ang salitang Griego na isinaling ‘hampasin ng mga pamalo’ sa Gawa 16:22 ay rha·bdiʹzo, na nauugnay sa rhaʹbdos (pamalo; baston). (Ihambing ang 1Co 4:21, Int.) Ang mga salitang Griegong ito ay kapuwa nauugnay sa rha·bdouʹkhos, isinasaling “kustable” sa Gawa 16:35, 38 at literal na nangangahulugang “tagapagdala ng pamalo.”​—Ihambing ang Int.

  • Paghampas, Pamamalo, Pambubugbog
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Pinaghahampas si Pablo sa pamamagitan ng mga pamalo sa lunsod ng Filipos. Ginamit niya ang insidenteng ito laban sa kaniyang mga mang-uusig, anupat sinamantala ang pagkakataong ipagtanggol at legal na itatag ang mabuting balita na ipinangangaral niya. Hayagan siyang pinalo at ibinilanggo, ngunit nang matuklasan ng mga mahistrado na isa siyang mamamayang Romano, labis silang natakot, sapagkat hindi lamang nila pinalo ang isang mamamayang Romano kundi ginawa nila iyon bago pa man siya mahatulan sa pamamagitan ng paglilitis. Sa kaso ring ito, sina Pablo at Silas ay itinanghal sa madla bilang mga salarin. Kaya nang utusan ng mga mahistrado ang tagapagbilanggo na palayain sina Pablo at Silas, tumugon si Pablo: “Pinalo nila kami nang hayagan nang hindi pa nahahatulan, mga taong Romano, at itinapon kami sa bilangguan; at pinalalayas ba nila kami ngayon nang palihim? Tunay ngang hindi! kundi sila mismo ang pumarito at maglabas sa amin.” Kinailangang personal na kilalanin ng mga mahistrado ang kanilang pagkakamali. “Kaya isinaysay ng mga kustable ang mga pananalitang ito sa mga mahistrado sibil. Ang mga ito ay natakot nang marinig nila na ang mga lalaki ay mga Romano. Dahil dito ay pumaroon sila at namanhik sa kanila at, pagkatapos na mailabas sila, hiniling nila sa kanila na lisanin ang lunsod.” (Gaw 16:22-40) Sa gayon, ang pangangaral ng mabuting balita ay napatunayan na hindi labag sa kautusan, sapagkat sa pamamagitan ng pagkilos na iyon ng mga mahistrado, ipinakita nila mismo sa madla na walang ginawang mali sina Pablo at Silas. Ganito ang ikinilos ni Pablo dahil nais niyang ‘legal na itatag ang mabuting balita.’​—Fil 1:7.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share