Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Pumunta Ka sa Macedonia”
    ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
    • 16. Ano ang nangyari isang araw matapos pagpapaluin sina Pablo at Silas?

      16 Kinaumagahan matapos silang pagpapaluin, ipinag-utos ng mga mahistrado na palayain sina Pablo at Silas. Pero sinabi ni Pablo: “Hayagan nila kaming pinagpapalo nang hindi pa nahahatulan, kahit mga Romano kami, at itinapon nila kami sa bilangguan. At ngayon, gusto nila kaming palayasin nang palihim? Hindi puwede! Sila mismo ang pumunta rito at maglabas sa amin.” Nang malaman ng mga mahistrado na mamamayang Romano pala ang dalawang lalaking ito, “natakot” sila, dahil nalabag nila ang karapatan ng mga lalaking ito.d Nabaligtad ang mga pangyayari. Pinagpapalo nila ang mga alagad sa harap ng maraming tao; pero ngayon, kailangan nilang humingi ng paumanhin sa harap ng maraming tao. Pinakiusapan nila sina Pablo at Silas na lisanin ang Filipos. Sumunod naman ang dalawang alagad, pero bago sila umalis, pinatibay muna nila ang lumalaking grupo ng bagong mga alagad.

  • “Pumunta Ka sa Macedonia”
    ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
    • d Ayon sa batas ng Roma, ang bawat mamamayan nito ay dapat na dumaan muna sa tamang proseso ng paglilitis at hindi puwedeng parusahan sa publiko hangga’t hindi napapatunayang nagkasala.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share