-
Pakikipagpunyagi Para sa Mabuting Balita sa TesalonicaAng Bantayan—2012 | Hunyo 1
-
-
Kapag bagong dating si Pablo sa isang lunsod, karaniwan nang mga Judio muna ang nilalapitan niya. Pamilyar na kasi sila sa Kasulatan kaya madali nang ipakipag-usap sa kanila at ipaunawa ang tungkol sa mabuting balita. Sinasabi ng isang iskolar na ang istilong ito ni Pablo ay isang indikasyon ng pagmamalasakit niya sa kaniyang mga kababayan o isang paraan para magamit ang mga Judio at mga may-takot sa Diyos bilang panimula sa kaniyang gawain sa mga Gentil.—Gawa 17:2-4.
Kaya pagdating sa Tesalonica, pumunta si Pablo sa sinagoga, kung saan “nangatuwiran siya sa [mga Judio] mula sa Kasulatan, na ipinaliliwanag at pinatutunayan sa pamamagitan ng mga reperensiya na ang Kristo ay kailangang magdusa at bumangon mula sa mga patay, at sinasabi: ‘Ito ang Kristo, ang Jesus na ito na ipinahahayag ko sa inyo.’”—Gawa 17:2, 3, 10.
Ang itinampok ni Pablo—ang papel at pagkakakilanlan ng Mesiyas—ay isang kontrobersiyal na usapin. Hindi isang nagdurusang Mesiyas ang inaasahan ng mga Judio, kundi isang nanlulupig na mandirigmang Mesiyas. Para hikayatin ang mga Judio, si Pablo ay “nangatuwiran,” ‘nagpaliwanag,’ at ‘nagpatunay sa pamamagitan ng mga reperensiya’ sa Kasulatan—mga katangian ng isang mahusay na guro.a Pero ano ang naging reaksiyon ng mga tagapakinig ni Pablo sa mga itinuro niya?
-
-
Pakikipagpunyagi Para sa Mabuting Balita sa TesalonicaAng Bantayan—2012 | Hunyo 1
-
-
a Maaaring ginamit ni Pablo ang Awit 22:7; 69:21; Isaias 50:6; 53:2-7; at Daniel 9:26.
-