Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Siya ay “Nangatuwiran sa Kanila Mula sa Kasulatan”
    ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
    • Papasók sina Pablo at Silas sa bahay para takasan ang galit na mga mang-uumog. Lalaking nakikipag-usap sa mga mang-uumog sa pintuang-daan.

      “Sinalakay nila ang bahay ni Jason para ilabas sina Pablo at Silas sa mga mang-uumog.”​—Gawa 17:5

      10 Sinabi ni Lucas ang sumunod na nangyari: “Nainggit ang mga Judio, kaya tinawag nila ang ilang masasamang lalaki na nakatambay sa pamilihan para bumuo ng grupo ng mang-uumog, at nagpasimula sila ng gulo sa lunsod. Sinalakay nila ang bahay ni Jason para ilabas sina Pablo at Silas sa mga mang-uumog. Nang hindi nila makita ang mga ito, kinaladkad nila si Jason at ang ilang kapatid papunta sa mga tagapamahala ng lunsod, at isinisigaw nila: ‘Nakarating na rito ang mga lalaking nanggugulo sa lahat ng lugar, at tinanggap sila ni Jason sa bahay niya. Nagrerebelde sila sa mga batas ni Cesar, dahil sinasabi nilang may ibang hari, si Jesus.’” (Gawa 17:5-7) Paano naapektuhan ng pang-uumog na ito si Pablo at ang kaniyang mga kasama?

      11. Ano ang mga paratang kay Pablo at sa mga kasama niyang tagapaghayag ng Kaharian, at anong batas ang marahil nasa isip ng mga nagpaparatang sa kaniya? (Tingnan ang talababa.)

      11 Nakakatakot ang pagsalakay ng mga mang-uumog. Para itong rumaragasang ilog na hindi makontrol. Ito ang ginamit ng mga Judio para mawala sa kanilang landas sina Pablo at Silas. Matapos ang “gulo sa lunsod,” sinikap ng mga Judio na kumbinsihin ang mga tagapamahala na ang dalawang ito ay nakagawa ng mabigat na kasalanan. Una, sinabi nilang si Pablo raw at ang kaniyang mga kasamang tagapaghayag ng Kaharian ang “nanggugulo sa lahat ng lugar,” gayong hindi naman sina Pablo ang naging dahilan ng pagkakagulo sa Tesalonica! Mas mabigat ang ikalawang paratang. Ikinatuwiran ng mga Judio na ang mga misyonero ay may ipinapakilalang ibang Hari, si Jesus, at ito’y paglabag sa batas ng emperador.a

      12. Bakit posibleng ikapahamak ng mga Kristiyano sa Tesalonica ang paratang sa kanila?

      12 Maaalaala nating ito rin ang paratang ng mga lider ng relihiyon kay Jesus. Sinabi nila kay Pilato: “Inililigaw ng taong ito ang mga kababayan namin . . . at sinasabing siya ang Kristo na hari.” (Luc. 23:2) Maaaring sa takot na isipin ng emperador na kinukunsinti ni Pilato ang malaking kataksilang ito sa bayan, sinang-ayunan niya ang pagpatay kay Jesus. Posibleng ikapahamak din ng mga Kristiyano sa Tesalonica ang mga paratang sa kanila. Ganito ang sabi ng isang reperensiyang akda: “Napakapanganib ng kinakaharap nila, dahil ‘pahiwatig pa lang ng pagtataksil sa mga Emperador ay kadalasan nang nangangahulugan ng kamatayan para sa akusado.’” Magtatagumpay kaya ang napakasamang pakanang ito?

  • Siya ay “Nangatuwiran sa Kanila Mula sa Kasulatan”
    ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
    • a Ayon sa isang iskolar, ipinagbabawal noon ni Cesar ang pagbibigay ng prediksiyon “na may darating na isang bagong hari o kaharian, lalo na’t kung sinasabing ito ang papalit o hahatol sa nakaupong emperador.” Maaaring pinalabas ng mga kaaway ni Pablo na paglabag sa batas ang mensahe ng apostol. Tingnan ang kahong “Ang mga Cesar at ang Aklat ng Mga Gawa.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share