-
Basahin ang Salita ng Diyos at Paglingkuran Siya sa KatotohananAng Bantayan—1996 | Mayo 15
-
-
5. Ano ang kailangan kung ibig nating masumpungan ang katotohanan ng Diyos?
5 Ang katotohanan ng Diyos ay isang kayamanang walang kasing-halaga. Upang masumpungan ito ay nangangailangan ng paghuhukay, anupat matiyagang nagsasaliksik sa Kasulatan. Kung tayo’y tulad-anak na mga mag-aaral ng Dakilang Instruktor ay saka lamang natin matatamo ang karunungan at mauunawaan ang may pagpipitagang takot kay Jehova. (Kawikaan 1:7; Isaias 30:20, 21) Mangyari pa, dapat nating patunayan ang mga bagay ayon sa Kasulatan. (1 Pedro 2:1, 2) Ang mga Judio sa Berea “ay higit na mararangal ang pag-iisip kaysa doon sa mga nasa Tesalonica, sapagkat tinanggap nila ang salita nang may buong pananabik ng isip, na maingat na sinusuri ang Kasulatan sa araw-araw kung gayon nga ang mga bagay na ito [na sinabi ni Pablo].” Pinapurihan sa halip na sinaway ang mga taga-Berea sa paggawa nito.—Gawa 17:10, 11.
-
-
Basahin ang Salita ng Diyos at Paglingkuran Siya sa KatotohananAng Bantayan—1996 | Mayo 15
-
-
7. Ano ang kailangan upang lumawak ang pagkaunawa sa Bibliya, at bakit?
7 Upang lumawak ang ating pagkaunawa sa Bibliya, kailangan natin ang patnubay ng espiritu, o ng aktibong puwersa ng Diyos. “Sinasaliksik ng espiritu ang lahat ng bagay, maging ang malalalim na bagay ng Diyos” upang maunawaan ang kahulugan ng mga ito. (1 Corinto 2:10) Kailangang ‘tiyakin ng mga Kristiyano sa Tesalonica ang lahat ng mga bagay’ sa anumang hula na narinig nila. (1 Tesalonica 5:20, 21) Nang sumulat si Pablo sa mga taga-Tesalonica (mga 50 C.E.), ang tanging bahagi ng Griegong Kasulatan na naisulat na ay ang Ebanghelyo ni Mateo. Kaya maaaring tiyakin ng mga taga-Tesalonica at taga-Berea ang lahat ng bagay, malamang na sa pamamagitan ng pagsusuri ng Griegong Septuagint na bersiyon ng Hebreong Kasulatan. Kailangan nilang basahin at pag-aralan ang Kasulatan, gayundin naman tayo.
-