-
Ikaw ba’y Tumatanggap ng mga Bagong Ideya?Ang Bantayan—1989 | Enero 15
-
-
Subalit, may mga taong pumapayag na isa-isang-tabi ang kanilang mga maling akala. Halimbawa, paanong ang mga taga-Berea ay tumugon sa mabuting balita na ipinangaral ni apostol Pablo at ng kaniyang kasamang si Silas? Tungkol sa mga taga-Berea, ang manunulat ng Bibliya na si Lucas ay nagsabi: “Lalong mararangal ang mga ito kaysa mga taga-Tesalonica, sapagkat tinanggap nila ang salita nang buong pagsisikap, at maingat na sinisiyasat sa araw-araw ang Kasulatan upang patunayan kung tunay nga ang mga bagay na ito.” (Gawa 17:11) Ikaw ba ay “marangal” tulad ng mga taga-Berea?
Pakisuyong pag-isipan ang kaso ni Masaji. Dati, siya ay may matinding pag-ayaw sa pagka-Kristiyano. Siya’y nakakatulad ng mga mapagbukod na ayaw na ang Hapón ay mabuksan. Nang ang kaniyang maybahay, si Sachiko, ay nagsimulang mag-aral ng Bibliya, siya’y naging isang mahigpit na mananalansang. Naisip pa niya na patayin ang kaniyang pamilya at pagkatapos siya mismo ay magpatiwakal. Dahilan sa kaniyang karahasan, ang kaniyang pamilya ay tumakas at doon nanuluyan sa tahanan ng matandang kapatid na lalaki ni Sachiko sa hilagang Hapon.
Sa wakas, ipinasiya ni Masaji na buksan nang bahagya ang kaniyang isip at suriin ang relihiyon ng kaniyang maybahay. Pagkatapos bumasa ng mga ilang literatura sa Bibliya, kaniyang nakita na kailangang gumawa ng mga pagbabago. Habang siya’y nag-aaral ng Kasulatan, nagbago ang kaniyang marahas na kalooban at ang nakita sa kaniya’y ang bunga ng espiritu ng Diyos. (Galacia 5:22, 23) Si Masaji ay nag-atubili ng pagdalo sa mga pulong ng mga Saksi ni Jehova sapagkat siya’y nangangamba na baka maghiganti ang mga Saksi dahilan sa ipinakita niyang karahasan sa kanila. Subalit nang sa wakas ay dumalaw siya sa isang Kingdom Hall, siya’y tinanggap nang buong init na anupa’t siya’y napaluha.
-
-
Ikaw ba’y Tumatanggap ng mga Bagong Ideya?Ang Bantayan—1989 | Enero 15
-
-
Ano ang maaari nating matutuhan dito? Na tayo’y dapat maging pihikan tungkol sa pagtanggap ng mga bagong ideya. Makabubuting tularan natin ang mga taga-Berea sa pamamagitan ng ‘maingat na pagsisiyasat sa Kasulatan araw-araw upang alamin kung tunay nga ba ang mga bagay na ito [na itinuro ni Pablo].’ (Gawa 17:11) Ang salitang Griego rito na isinaling “pagsisiyasat” ay nangangahulugan ng “paggawa ng maingat at eksaktong pagsasaliksik gaya sa sistema ng hukuman.” (Word Pictures in the New Testament, ni A. T. Robertson) Imbis na may kabulagang tanggapin ang bawat bagong ideya na iniharap sa atin, tayo’y kailangang magpakaingat na gumawa ng pananaliksik, gaya ng isang hukom kung dumidinig ng isang usapin.
-