Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Napuspos ng Banal na Espiritu”
    ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
  • “Napuspos ng Banal na Espiritu”
    ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
    • Kabilang sa mga nakarinig ng pahayag ni Pedro noong Pentecostes 33 C.E. ang mga Judio mula sa Ponto, isang distrito sa hilagang Asia Minor. (Gawa 2:9) Lumilitaw na dinala ng ilan sa kanila ang mabuting balita nang bumalik sila sa kanilang bayan, dahil kabilang sa mga binanggit ni Pedro sa kaniyang unang liham ang mga mananampalatayang “nakapangalat” sa mga lugar na gaya ng Ponto.g (1 Ped. 1:1) Isinisiwalat sa kaniyang akda na ang mga Kristiyanong ito ay “dumanas ng iba’t ibang pagsubok” dahil sa kanilang pananampalataya. (1 Ped. 1:6) Malamang na kasama na rito ang pagsalansang at pag-uusig.

      Ang iba pang mga pagsubok na kinaharap ng mga Kristiyano sa Ponto ay ipinahihiwatig sa mga liham sa pagitan ni Emperador Trajan at ni Pliny na Nakababata, na siyang gobernador ng lalawigan ng Bitinia at Ponto sa Roma. Sa sulat ni Pliny mula sa Ponto noong mga 112 C.E., iniulat niya na puwedeng “mahawahan” ng Kristiyanismo ang sinuman, anuman ang kanilang kasarian, edad, o kalagayan sa buhay. Ang mga pinaratangan ng pagiging mga Kristiyano ay binigyan ni Pliny ng pagkakataon na ikaila ito, at ang ayaw gumawa nito ay ipinapatay niya. Pinalaya naman ang mga sumumpa kay Kristo o nanalangin sa mga diyos o sa estatuwa ni Trajan. Inamin ni Pliny na ito ang mga bagay na “hinding-hindi magagawa ng mga tunay na Kristiyano.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share