-
‘Hanapin ang Diyos at Talagang Makikita Siya’‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
-
-
17, 18. Bakit dapat makadama ang mga tao ng pagnanais na mapalapít sa Diyos, at ano ang matututuhan natin sa paraang ginamit ni Pablo para makuha ang interes ng kaniyang mga tagapakinig?
17 Dapat makadama ang mga tao ng pagnanais na mapalapít sa Diyos. Sinabi ni Pablo na dahil sa Kaniya, “tayo ay may buhay at kumikilos at umiiral.” Sinasabi ng ilang iskolar na ang tinutukoy ni Pablo ay ang mga pananalita ni Epimenides, isang makatang taga-Creta na nabuhay noong mga ikaanim na siglo B.C.E. at “isang kilalang personalidad pagdating sa relihiyosong tradisyon ng mga taga-Atenas.” Nagbigay si Pablo ng isa pang dahilan kung bakit dapat makadama ang mga tao ng pagnanais na mapalapít sa Diyos: “Sinabi ng ilan sa mga makata ninyo, ‘Dahil tayo rin ay mga anak niya.’” (Gawa 17:28) Dapat makadama ang mga tao ng malapít na kaugnayan sa Diyos; siya ang lumalang sa taong pinagmulan ng lahat ng tao. Para makuha ni Pablo ang interes ng mga tagapakinig niya, tuwiran at may katalinuhan siyang sumipi sa mga akdang Griego na malamang na kinikilala nila.e Bilang pagtulad sa halimbawa ni Pablo, maaari tayong sumipi paminsan-minsan sa sekular na kasaysayan, encyclopedia, o iba pang kinikilalang reperensiyang akda. Halimbawa, ang isang angkop na pagsipi mula sa isang kinikilalang reperensiya ay maaaring makakumbinsi sa isang di-Saksi na tanggapin ang tunay na pinagmulan ng ilang huwad na relihiyosong kaugalian.
-
-
‘Hanapin ang Diyos at Talagang Makikita Siya’‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
-
-
e Sumipi si Pablo mula sa Phaenomena, isang tula tungkol sa astronomiya, na isinulat ng makatang Estoico na si Aratus. May kahawig din itong pananalita sa iba pang akdang Griego, gaya ng Hymn to Zeus ng manunulat na Estoico na si Cleanthes.
-