-
Corinto—Lungsod ng Dalawang DagatGumising!—1991 | Enero 22
-
-
Ang Forum—kahali-halinang dako! Ito’y binubuo ng dalawang parihabang mga terado sa gawing silangan-kanluran. Sa gitna ng itaas na terado, na napaliligiran ng mga tindahan sa magkabilang tabi, may isang nakaangat na plataporma na ang tawag ay bema, na ginagamit ng mga tagapagsalita sa pormal na mga okasyon. Ipinaalaala sa amin ng aming giya na nang isulat ng manggagamot na si Lucas ang tungkol sa araw na ginugol ni Pablo sa harapan ni Prokonsul Gallio, ang salitang Griego na ginamit para sa “upuan sa hukuman” ay bema. (Gawa 18:12) Kaya ang mga pangyayari sa Gawa 18:12-17 ay maaaring nangyari sa mismong lugar na ito! Kami’y nakatayo sa kung saan maaaring tumayo si Pablo, handang ipagtanggol ang kaniyang sarili samantalang pinaliligiran ng kaniyang mga Judiong tagapagparatang. Subalit hindi! Ayaw pakinggan ni Gallio ang kaso. Pinalaya niya si Pablo at sa halip ay hinayaan niyang bugbugin ng mararahas na mang-uumog si Sosthenes.
-
-
Corinto—Lungsod ng Dalawang DagatGumising!—1991 | Enero 22
-
-
[Mga larawan sa pahina 17]
Itaas: Isang tindahang muling itinayo sa Forum
Gitna: Ang “bema”
-