-
“Ako ay Malinis sa Dugo ng Lahat ng Tao”‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
-
-
12, 13. (a) Ano ang nadama ng kongregasyon nang buhaying muli si Eutico? (b) Anong salig-Bibliyang pag-asa ang nagbibigay-kaaliwan sa mga namamatayan ng mahal sa buhay sa ngayon?
12 Si Pablo at ang mga kasama niya ay lumibot sa Macedonia, at saka sila naghiwa-hiwalay. Lumilitaw na nagkasama-sama silang muli sa Troas.d Sinasabi ng ulat: “Nagkita-kita kami sa Troas makalipas ang limang araw.”e (Gawa 20:6) Dito binuhay-muli ang kabataang lalaking si Eutico, gaya ng isinalaysay sa pasimula ng kabanatang ito. Tiyak na tuwang-tuwa ang mga kapatid nang makita nilang nabuhay-muli ang kanilang kasamang si Eutico! Gaya ng sinasabi ng ulat, “masayang-masaya sila.”—Gawa 20:12.
-
-
“Ako ay Malinis sa Dugo ng Lahat ng Tao”‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
-
-
d Ipinapakita ng paggamit ni Lucas ng panghalip na “kami” sa Gawa 20:5, 6 na nagkasama sila ulit ni Pablo sa Filipos; nagkahiwalay kasi sila noon sa Filipos nang ilang panahon.—Gawa 16:10-17, 40.
e Kung ihahambing sa naunang paglalakbay na inabot lamang ng dalawang araw, sa pagkakataong ito, umabot nang limang araw ang paglalakbay mula sa Filipos hanggang Troas, maaaring dahil sa malalakas na hangin.—Gawa 16:11.
-