-
“Walang Sinumang Tao ang Nakapagsalita Nang Tulad Nito”Ang Bantayan—2002 | Setyembre 1
-
-
6. Magbigay ng halimbawa kung paano bumigkas si Jesus ng mga kasabihan na simple ngunit lubhang makahulugan.
6 Sa malimit na paggamit ng malilinaw at maiikling parirala, bumigkas si Jesus ng mga kasabihan na simple ngunit lubhang makahulugan. Kaya bago pa ang panahon ng nakalimbag na mga aklat, waring nailimbag na niya nang permanente ang kaniyang mensahe sa isip at puso ng kaniyang mga tagapakinig. Pansinin ang ilang halimbawa: “Walang sinuman ang maaaring magpaalipin sa dalawang panginoon; . . . hindi kayo maaaring magpaalipin sa Diyos at sa Kayamanan.” “Huwag na kayong humatol upang hindi kayo mahatulan.” “Sa kanilang mga bunga ay makikilala ninyo ang mga taong iyon.” “Ang mga taong malusog ay hindi nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga may sakit.” “Ang lahat niyaong humahawak ng tabak ay malilipol sa pamamagitan ng tabak.” “Ibayad ninyo kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar, ngunit sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos.” “May higit na kaligayahan sa pagbibigay kaysa sa pagtanggap.”c (Mateo 6:24; 7:1, 20; 9:12; 26:52; Marcos 12:17; Gawa 20:35) Hanggang sa kasalukuyan, halos 2,000 taon na matapos bigkasin ni Jesus ang mga ito, ang gayong mapuwersang mga kasabihan ay madali pa ring maalaala.
-
-
“Walang Sinumang Tao ang Nakapagsalita Nang Tulad Nito”Ang Bantayan—2002 | Setyembre 1
-
-
c Ang huling halaw na ito, na masusumpungan sa Gawa 20:35, ay sinipi lamang ni apostol Pablo, bagaman ang diwa ng mga salitang iyon ay masusumpungan sa mga Ebanghelyo. Maaaring narinig lamang ni Pablo ang pananalitang iyon (mula sa isang alagad na nakarinig na sinabi iyon ni Jesus o kaya’y mula sa binuhay-muling si Jesus) o sa pamamagitan ng pagsisiwalat ng Diyos.—Gawa 22:6-15; 1 Corinto 15:6, 8.
-