Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Mangyari Nawa ang Kalooban ni Jehova”
    ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
    • Batay sa Gawa 21:1-17

      1-4. Bakit papunta si Pablo sa Jerusalem, at ano ang naghihintay sa kaniya roon?

      NAGING emosyonal ang pagpapaalaman sa Mileto. Napakahirap para kina Pablo at Lucas na iwanan ang matatanda sa Efeso na napamahal na sa kanila! Nakatayo ang dalawang misyonero sa may kubyerta ng barko. Marami silang dalang panustos para sa kanilang paglalayag. Dala rin nila ang nalikom na abuloy para sa mahihirap na Kristiyano sa Judea at gustong-gusto na nila itong maihatid doon.

      2 Habang itinutulak ng banayad na hangin ang mga layag, unti-unti nang umusad ang barko palayo sa maingay na daungan. Minamasdan ng dalawang lalaki, at ng pito pa nilang kasama, ang malulungkot na mukha ng mga kapatid na nasa dalampasigan. (Gawa 20:4, 14, 15) Patuloy na kumakaway ang mga manlalakbay sa kanilang mga kaibigan hanggang sa hindi na nila matanaw ang mga ito.

  • “Mangyari Nawa ang Kalooban ni Jehova”
    ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
    • 5. Sa anong ruta naglayag si Pablo at ang kaniyang mga kasama patungong Tiro?

      5 Ang barkong sinasakyan ni Pablo at ng kaniyang mga kasama ay “naglayag nang tuloy-tuloy.” Ibig sabihin, maganda ang lagay ng panahon at walang naging aberya, kaya naman nakarating sila sa Cos nang araw ding iyon. (Gawa 21:1) Lumilitaw na dumaong muna nang isang gabi roon ang barko bago naglayag patungong Rodas at Patara. Mula sa Patara, sa timugang baybayin ng Asia Minor, sumakay ang mga kapatid sa isang barkong pangkargamento deretso sa Tiro, sa Fenicia. Habang naglalayag, nadaanan nila ang “isla ng Ciprus sa gawing kaliwa.” (Gawa 21:3) Bakit kaya binanggit ni Lucas ang detalyeng ito sa kaniyang ulat?

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share