Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Lakas-loob na Mangaral ng Kaharian ni Jehova!
    Ang Bantayan—1990 | Hunyo 15
    • 7. Papaanong nagpakita si Pablo ng halimbawa sa pagpapasakop sa kalooban ng Diyos?

      7 Samantalang ang ikatlong paglalakbay misyonero ni Pablo ay malapit nang matapos (mga 56 C.E.), siya’y nagpakita ng mainam na halimbawa sa pagpapasakop sa kalooban ng Diyos. (21:1-14) Sa Cesarea siya at ang kaniyang mga kasama ay pumisan kay Felipe, na ang apat na mga anak na dalaga ay “nagsisipanghula,” humuhula ng mga mangyayari sa pamamagitan ng banal na espiritu. Doon kinuha ng propetang Kristiyanong si Agabo ang pamigkis ni Pablo at ginapos ang kaniyang sariling mga kamay at paa at kinasihan ng espiritu na magsabing ang may-ari niyaon ay igagapos ng mga Judio sa Jerusalem at siya’y kanilang ibibigay sa mga kamay ng mga Gentil. “Ako’y nahahanda na hindi lamang gapusin kundi mamatay rin sa Jerusalem dahil sa pangalan ng Panginoong Jesus,” ang sabi ni Pablo. Ang mga alagad ay nangagkaisa, na ang sabi: “Mangyari nawa ang kalooban ni Jehova.”

  • Lakas-loob na Mangaral ng Kaharian ni Jehova!
    Ang Bantayan—1990 | Hunyo 15
    • 9. Tungkol sa karahasan ng mga mang-uumog, papaano magkatulad ang karanasan ni Pablo at niyaong mga Saksi ni Jehova sa ngayon?

      9 Ang mga Saksi ni Jehova ay kalimitan nananatiling tapat sa Diyos sa harap ng karahasan ng mga mang-uumog. (Halimbawa, tingnan ang 1975 Yearbook of Jehovah’s Witnesses, pahina 180-90.) Ang mga Judiong buhat sa Asia Minor ay nagbangon din ng pang-uumog laban kay Pablo. (21:27-40) Palibhasa’y nakita nila na kasama niya si Trofimo na taga-Efeso, kanilang buong kasinungalingang inakusahan ang apostol ng pagdungis sa templo sa pagdadala roon ng mga Griego. Halos papatayin na noon si Pablo nang dumating ang Romanong punong-kapitan Claudio Lysias at ang kaniyang mga kawal at kanilang pinahinto ang kaguluhan! Gaya ng inihula (ngunit ang sanhi’y mga Judio), iniutos ni Lysias na gapusin ng mga tanikala si Pablo. (Gawa 21:11) Ang apostol ay halos dadalhin na lamang sa kuwartel ng mga kawal na karatig lamang ng looban ng templo nang mapag-alaman ni Lysias na si Pablo’y hindi isang sedisyonista kundi isang Judio na pinayagang pumasok sa looban ng templo. Nang siya’y payagang magsalita, si Pablo’y nagsalita sa wikang Hebreo sa mga tao.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share