Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Unang mga Kristiyano at ang Kautusang Mosaiko
    Ang Bantayan—2003 | Marso 15
    • Paano Naman ang mga Kristiyanong Judio?

      12. Anong tanong ang hindi pa nasasagot?

      12 Malinaw na ipinabatid ng lupong tagapamahala na hindi na kailangang tuliin ang mga Kristiyanong Gentil. Subalit paano naman ang mga Kristiyanong Judio? Hindi espesipikong sinagot ng pasiya ng lupong tagapamahala ang aspektong iyon ng tanong.

      13. Bakit maling igiit na kailangang sundin ang Kautusang Mosaiko para maligtas?

      13 May ilang Kristiyanong Judio na “masigasig sa Kautusan” na patuloy na tumuli sa kanilang mga anak at sumunod sa ilang pitak ng Kautusan. (Gawa 21:20) Lumabis pa roon ang iba, anupat iginiit pa nga na kailangang sundin ng mga Kristiyanong Judio ang Kautusan upang sila ay maligtas. Hinggil dito, sila ay lubhang nagkamali. Halimbawa, paano makapaghahandog ang sinumang Kristiyano ng isang haing hayop para sa kapatawaran ng mga kasalanan? Ginawa nang lipas ng hain ni Kristo ang gayong mga paghahandog. Paano naman ang kahilingan ng Kautusan na umiwas ang mga Judio sa matalik na pakikipagsamahan sa mga Gentil? Magiging napakahirap para sa masisigasig na Kristiyanong ebanghelisador na sundin ang gayong mga paghihigpit at kasabay nito ay tuparin ang atas na ituro sa mga Gentil ang lahat ng bagay na itinuro ni Jesus. (Mateo 28:19, 20; Gawa 1:8; 10:28)a Walang katibayan na nilinaw ang bagay na ito sa alinmang pagpupulong ng lupong tagapamahala. Gayunman, hindi hinayaang walang matanggap na tulong ang kongregasyon.

  • Ang Unang mga Kristiyano at ang Kautusang Mosaiko
    Ang Bantayan—2003 | Marso 15
    • [Kahon/Larawan sa pahina 24]

      Mapagpakumbabang Tumugon si Pablo sa Isang Pagsubok

      Pagkatapos ng isang matagumpay na paglalakbay bilang misyonero, dumating si Pablo sa Jerusalem noong 56 C.E. Doon ay naghihintay sa kaniya ang isang pagsubok. Nakarating sa kongregasyon ang balita na itinuturo niyang hindi na ipinasusunod ang Kautusan. Ang matatandang lalaki ay natakot na ang bagong nakumberteng mga Kristiyanong Judio ay matisod sa pagkatahasan ni Pablo sa paksa hinggil sa Kautusan at baka maghinuha ang mga baguhan na hindi iginagalang ng mga Kristiyano ang mga kaayusan ni Jehova. Sa kongregasyon ay may apat na Kristiyanong Judio na gumawa ng panata, marahil ay panata ng isang Nazareo. Kailangan silang magtungo sa templo upang ganap na maisagawa ang mga kahilingan ng panatang iyon.

      Hiniling ng matatandang lalaki kay Pablo na samahan ang apat sa pagtungo sa templo at asikasuhin ang kanilang mga gastusin. Naisulat na noon ni Pablo ang di-kukulangin sa dalawang kinasihang liham na nangangatuwirang hindi kailangan sa kaligtasan ang pagsunod sa Kautusan. Gayunman, makonsiderasyon siya sa budhi ng iba. Ganito ang nauna na niyang isinulat: “Doon sa mga nasa ilalim ng kautusan, ako ay naging gaya ng nasa ilalim ng kautusan . . . upang matamo ko yaong mga nasa ilalim ng kautusan.” (1 Corinto 9:20-23) Bagaman hindi nakikipagkompromiso kailanman kapag may nasasangkot na mahahalagang simulain sa Kasulatan, nadama ni Pablo na maaari niyang tanggapin ang mungkahi ng matatandang lalaki. (Gawa 21:15-26) Hindi naman mali na gawin niya iyon. Makakasulatan naman ang kaayusan hinggil sa mga panata, at ang templo ay ginamit noon sa dalisay na pagsamba, hindi sa idolatriya. Kaya upang hindi maging sanhi ng katitisuran, ginawa ni Pablo ang hiniling sa kaniya. (1 Corinto 8:13) Walang alinlangan na kinailangang magpakumbaba nang husto si Pablo para magawa ito, isang bagay na nagpapasidhi ng ating paggalang sa kaniya.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share