Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Umaapela Ako kay Cesar!”
    Ang Bantayan—2001 | Disyembre 15
    • SINUNGGABAN ng mga mang-uumog ang isang lalaking walang kalaban-laban at sinimulan siyang bugbugin. Sa palagay nila ay karapat-dapat siyang mamatay. Nang ang lalaki ay tiyak na mapapatay na ng mga mang-uumog, ang mga kawal ay dumating at inagaw nang may kahirapan ang biktima mula sa marahas na pulutong. Ang lalaki ay si apostol Pablo. Ang mga sumalakay sa kaniya ay mga Judio na galít na galít na tumututol sa pangangaral ni Pablo at inaakusahan siya na dinudungisan niya ang templo. Ang kaniyang mga tagapagligtas ay mga Romano, sa pangunguna ng kanilang kumandante, si Claudio Lisias. Sa kalituhan, si Pablo ay dinakip bilang isang pinaghihinalaang kriminal.

      Binuod ng huling pitong kabanata ng aklat ng Mga Gawa ang kaso na nagsimula sa pagdakip na iyon. Ang pagkaunawa sa kaalaman ni Pablo sa batas, ang mga paratang laban sa kaniya, ang kaniyang pagtatanggol, at ang pamamaraan ng mga Romano sa pagpaparusa ay nagbibigay sa atin ng higit na unawa sa mga kabanatang ito.

  • “Umaapela Ako kay Cesar!”
    Ang Bantayan—2001 | Disyembre 15
    • Kalakip sa mga tungkulin ni Claudio Lisias ay panatilihin ang katiwasayan sa Jerusalem. Ang nakatataas sa kaniya, ang Romanong gobernador ng Judea, ay naninirahan sa Cesarea. Ang pagkilos ni Lisias sa kaso ni Pablo ay maaaring unawain bilang proteksiyon sa isang indibiduwal mula sa karahasan at pagbilanggo sa isang manggugulo ng kapayapaan. Ang pagtugon ng mga Judio ang nagpakilos kay Lisias na dalhin ang kaniyang bilanggo sa kuwartel ng mga sundalo sa Tore ng Antonia.​—Gawa 21:27–22:24.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share