Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Alam Mo Ba?
    Ang Bantayan—2010 | Marso 1
    • Sino ang binanggit na mga “lalaking may sundang” nang arestuhin si Pablo ng mga Romano?

      ▪ Ayon sa ulat ng Mga Gawa, nang magkaroon ng kaguluhan sa templo sa Jerusalem, ikinulong si apostol Pablo ng isang Romanong kumandante ng militar sa pag-aakalang siya ang lider ng naghihimagsik na pangkat ng “apat na libong lalaking may sundang.” (Gawa 21:30-38) Sino ba ang mga lalaking ito na may sundang?

      Ang salitang Griego para sa mga “lalaking may sundang” ay mula sa salitang Latin na sicarii, na ang ibig sabihin ay “gumagamit ng sica,” o sundang. Inilarawan ng istoryador noong unang siglo na si Flavius Josephus ang Sicarii bilang isang pangkat ng mga panatiko at makabayang Judio na mahigpit na kaaway ng Roma, na nagsasagawa ng organisadong mga pagpatay dahil sa pulitika.

      Isinalaysay ni Josephus na ang Sicarii ay “pumapatay ng mga tao kung araw sa gitna ng lunsod; ginagawa nila ito sa panahon ng kapistahan, kapag humahalo sila sa karamihan, at itinatago ang mga sundang sa kanilang kasuutan, na ipinananaksak naman nila sa kanilang mga kaaway.” Kapag patay na ang biktima, ang Sicarii ay nagkukunwaring galit din sa nangyaring patayan para hindi sila mapagbintangan. Sinabi pa ni Josephus na ang mga Sicarii, nang maglaon, ay nagkaroon ng malaking papel sa paghihimagsik ng mga Judio laban sa Roma noong 66-70 C.E. Kaya naman, gusto ng kumandanteng Romano na ikulong ang sinasabing lider ng pangkat na iyon.

  • Alam Mo Ba?
    Ang Bantayan—2010 | Marso 1
    • [Larawan sa pahina 15]

      Isang lalaking may sundang na iginuhit ng dalubsining

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share