Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Paghingi ng Paumanhin—Isang Susi sa Pakikipagpayapaan
    Ang Bantayan—2002 | Nobyembre 1
    • Ang isa pang halimbawa ng isang tao na nakaaalam kung kailan hihingi ng paumanhin ay si apostol Pablo. Minsan, kinailangan niyang ipagtanggol ang kaniyang sarili sa harap ng Sanedrin, ang mataas na hukuman ng mga Judio. Palibhasa’y nagalit sa matapat na mga salita ni Pablo, iniutos ng mataas na saserdoteng si Ananias sa mga nakatayo sa tabi ni Pablo na sampalin siya sa bibig. Dahil doon, sinabi ni Pablo sa kaniya: “Sasaktan ka ng Diyos, ikaw na pinaputing pader. Ikaw ba ay nakaupo upang hatulan ako ayon sa Kautusan at kasabay nito ay sinasalansang naman ang Kautusan sa pag-uutos mo na saktan ako?” Nang akusahan ng mga nagmamasid si Pablo ng panlalait sa mataas na saserdote, agad na inamin ng apostol ang kaniyang pagkakamali, sa pagsasabing: “Mga kapatid, hindi ko alam na siya ay mataas na saserdote. Sapagkat nasusulat, ‘Huwag kang magsasalita nang nakapipinsala sa isang tagapamahala ng iyong bayan.’ ”​—Gawa 23:1-5.

      Ang sinabi ni Pablo​—na ang isang pinahirang hukom ay hindi dapat bumaling sa karahasan​—ay tama naman. Gayunman, humingi siya ng paumanhin sa di-sinasadyang pagsasalita sa mataas na saserdote sa paraang maituturing na pagiging walang-galang.a Ang paghingi ni Pablo ng paumanhin ay nagbukas ng daan para pakinggan ng Sanedrin ang kaniyang sasabihin. Yamang alam ni Pablo ang pinagtatalunan ng mga miyembro ng hukumang iyon, sinabi niya sa kanila na siya ay nililitis dahil sa kaniyang paniniwala sa pagkabuhay-muli. Bunga nito, bumangon ang malaking di-pagkakasundo, anupat pumanig ang mga Pariseo kay Pablo.​—Gawa 23:6-10.

  • Paghingi ng Paumanhin—Isang Susi sa Pakikipagpayapaan
    Ang Bantayan—2002 | Nobyembre 1
    • a Marahil dahil sa malabong paningin ni Pablo kung kaya hindi niya nakilala ang mataas na saserdote.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share