Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Pakinggan Ninyo ang Pagtatanggol Ko”
    ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
    • 17 Nabigla ang ilang naroroon—hindi sa pagkakasampal kay Pablo, kundi sa kaniyang reaksiyon! Sinabi nila: “Iniinsulto mo ba ang mataas na saserdote ng Diyos?” Sa kaniyang sagot, nagpakita si Pablo ng halimbawa ng kapakumbabaan at paggalang sa Kautusan. Sinabi niya: “Mga kapatid, hindi ko alam na siya ay mataas na saserdote. Dahil nasusulat, ‘Huwag kang magsasalita ng masama sa isang tagapamahala ng iyong bayan.’”d (Gawa 23:4, 5; Ex. 22:28) Iniba ngayon ni Pablo ang kaniyang pamamaraan. Palibhasa’y alam niyang ang Sanedrin ay binubuo ng mga Pariseo at mga Saduceo, sinabi niya: “Mga kapatid, ako ay isang Pariseo, isang anak ng mga Pariseo. Hinahatulan ako dahil naniniwala ako sa pag-asang mabubuhay-muli ang mga patay.”​—Gawa 23:6.

      Pari na nakatingin sa isang teksto sa sarili niyang Bibliya habang nagpapatotoo sa kaniya ang isang brother.

      Gaya ni Pablo, humahanap tayo ng mga puntong mapagkakasunduan natin ng ating kausap kapag nangangaral sa mga taong iba ang relihiyon

      18. Bakit tinawag ni Pablo ang kaniyang sarili na isang Pariseo, at paano natin magagamit ang ganitong paraan ng pangangatuwiran?

      18 Bakit tinawag ni Pablo ang kaniyang sarili na isang Pariseo? Sapagkat siya ay “anak ng mga Pariseo”—nagmula sa isang pamilyang miyembro ng sektang iyan. Kaya Pariseo pa rin siya sa tingin ng marami.e Paano ngayon magagamit ni Pablo ang paniniwala ng mga Pariseo sa pagkabuhay-muli? Diumano, ang mga Pariseo ay naniniwala na may kaluluwang humihiwalay kapag namatay ang isang tao at na ang kaluluwa ng matuwid ay mabubuhay-muli sa ibang katawan. Hindi naniniwala si Pablo sa turong iyon. Ang pinaniniwalaan niya ay ang pagkabuhay-muli na itinuro ni Jesus. (Juan 5:25-29) Subalit sang-ayon si Pablo sa paniniwala ng mga Pariseo na may pag-asang mabuhay-muli ang mga patay—kabaligtaran ng mga Saduceo, na hindi naniniwalang may kinabukasan pa ang mga patay. Puwede rin nating gamitin ang ganitong paraan ng pangangatuwiran kapag nakikipag-usap sa mga Katoliko o sa iba pang mga tao na nagsasabing naniniwala sila kay Kristo. Puwede nating sabihing naniniwala tayo sa Diyos na gaya nila. Bagaman maaaring naniniwala sila sa Trinidad at tayo naman ay sa tunay na Diyos na sinasabi ng Bibliya, pare-pareho pa rin tayong naniniwala na may Diyos.

  • “Pakinggan Ninyo ang Pagtatanggol Ko”
    ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share