-
“Lakasan Mo ang Loob Mo!”‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
-
-
10. Anong mabibigat na akusasyon ang ibinangon laban kay Pablo?
10 Sa Cesarea, si Pablo ay ‘ibinilanggo sa palasyo ni Herodes’ habang hinihintay ang pagdating ng mga nag-aakusa mula sa Jerusalem. (Gawa 23:35) Dumating sila pagkalipas ng limang araw—ang mataas na saserdoteng si Ananias, isang tagapagsalitang nagngangalang Tertulo, at isang grupo ng matatandang lalaki. Pinapurihan muna ni Tertulo si Felix sa diumano’y nagagawa nito para sa mga Judio, na halata namang pambobola lang upang makuha ang loob nito.b Pagkatapos, iniharap na ni Tertulo ang mga akusasyon laban kay Pablo. Sinabi niya: “Salot ang taong ito; sinusulsulan niyang maghimagsik ang mga Judio sa buong lupa, at siya ay lider ng sekta ng mga Nazareno. Tinangka rin niyang lapastanganin ang templo kaya dinakip namin siya.” Nakisali rin ang ibang mga Judio at “iginiit nilang totoo ang mga ito.” (Gawa 24:5, 6, 9) Nanunulsol ng paghihimagsik, nangunguna sa isang mapanganib na sekta, at lumalapastangan sa templo—mabibigat na akusasyon na puwedeng mauwi sa sentensiyang kamatayan.
-
-
“Lakasan Mo ang Loob Mo!”‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
-
-
b Pinasalamatan ni Tertulo si Felix dahil sa “kapayapaan” na naibigay nito sa bansa. Pero ang totoo, mas magulo ang Judea noong nanunungkulan si Felix kaysa noong nanunungkulan ang ibang gobernador bago ang paghihimagsik laban sa Roma. Wala ring katotohanan ang sinabi ng mga Judio na “ipinagpapasalamat” nila ang mga reporma ni Felix. Ang totoo, kinasusuklaman siya ng maraming Judio dahil sa malupit niyang pagsugpo sa mga rebelde at dahil ginawa niyang miserable ang buhay nila.—Gawa 24:2, 3.
-