Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Umaapela Ako kay Cesar!”
    Ang Bantayan—2001 | Disyembre 15
    • Sa harap ni Felix, pormal na inakusahan ng mataas na saserdoteng si Ananias, ng matatandang lalaki ng mga Judio, at ni Tertulo si Pablo na ‘isang salot na nagsulsol ng mga sedisyon sa gitna ng mga Judio.’ Sinabi nila na siya ang pasimuno ng “sekta ng mga Nazareno” at na tinangka niyang lapastanganin ang templo.​—Gawa 24:1-6.

  • “Umaapela Ako kay Cesar!”
    Ang Bantayan—2001 | Disyembre 15
    • Sa harap ni Felix, pormal na inakusahan ng mataas na saserdoteng si Ananias, ng matatandang lalaki ng mga Judio, at ni Tertulo si Pablo na ‘isang salot na nagsulsol ng mga sedisyon sa gitna ng mga Judio.’ Sinabi nila na siya ang pasimuno ng “sekta ng mga Nazareno” at na tinangka niyang lapastanganin ang templo.​—Gawa 24:1-6.

  • “Umaapela Ako kay Cesar!”
    Ang Bantayan—2001 | Disyembre 15
    • Ang mga Judio ay nangatuwiran na ang itinuturo ni Pablo ay hindi Judaismo, o isang legal na relihiyon (religio licita). Sa halip, iyon ay dapat ituring na ilegal, at subersibo pa nga.

      Sinabi rin nila na si Pablo ay “nagsusulsol ng mga sedisyon sa gitna ng lahat ng mga Judio sa lahat ng dako ng tinatahanang lupa.” (Gawa 24:5) Katatapos pa lamang tuligsain noon ni Emperador Claudio ang mga Judio sa Alexandria dahil sa “panunulsol ng isang pansansinukob na salot sa buong daigdig.” Kapansin-pansin ang pagkakahawig. “Ganitung-ganito ang ipinaratang sa isang Judio noong Principate (Pamamahala) ni Claudio o nang unang mga taon ni Nero,” sabi ng istoryador na si A. N. Sherwin-White. “Sinisikap ng mga Judio na himukin ang gobernador na malasin ang pangangaral ni Pablo na katumbas ng paglikha ng mga kaguluhang sibil sa lahat ng mamamayang Judio sa Imperyo. Alam nila na ang mga gobernador ay ayaw humatol sa relihiyosong mga paratang lamang kung kaya sinikap nilang lagyan ng bahid ng pulitika ang relihiyosong paratang.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share