Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Umaapela Ako kay Cesar!”
    ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
    • 5. Paano hinawakan ni Festo ang kaso ni Pablo?

      5 Pagkalipas ng ilang araw, “umupo [si Festo] sa luklukan ng paghatol” sa Cesarea.b Nasa harapan niya si Pablo at ang mga nag-aakusa sa apostol. Bilang sagot sa kanilang walang-basehang mga paratang, sinabi ni Pablo: “Wala akong ginawang kasalanan laban sa Kautusan ng mga Judio, sa templo, o kay Cesar.” Inosente ang apostol at nararapat lamang siyang palayain. Ano kaya ang magiging pasiya ni Festo? Palibhasa’y gusto niyang makuha ang pabor ng mga Judio, tinanong niya si Pablo: “Gusto mo bang pumunta sa Jerusalem para doon kita hatulan may kinalaman sa mga bagay na ito?” (Gawa 25:6-9) Malaking kalokohan ito! Kung sa Jerusalem hahatulan si Pablo, tiyak na kamatayan ang naghihintay sa kaniya roon dahil ang mga nag-aakusa sa kaniya ang siya mismong hahatol sa kaniya. Hindi tunay na katarungan ang iniisip ni Festo kundi ang katayuan niya sa politika. Parang ganiyan din ang ginawa ng isang naunang gobernador, si Poncio Pilato, nang hawakan nito ang kaso ng isang mas mahalagang bilanggo. (Juan 19:12-16) May mga hukom sa ngayon na pinagbibigyan ang gusto ng mga tao para makuha ang loob ng mga ito. Kaya hindi tayo dapat magtaka kapag hindi nagiging patas ang desisyon ng mga hukuman sa mga kasong nagsasangkot sa bayan ng Diyos.

  • “Umaapela Ako kay Cesar!”
    ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
    • b Ang “luklukan ng paghatol” ay isang upuang nakalagay sa ibabaw ng isang mataas na plataporma. Ang mataas na posisyon nito ay nagpapakitang hindi na mababago ang desisyon ng hukom at dapat itong igalang. Nakaupo si Pilato sa isang “luklukan ng paghatol” nang pagtimbang-timbangin niya ang mga akusasyon kay Jesus.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share