-
“Mga Panganib sa Dagat”Ang Bantayan—1999 | Marso 15
-
-
Umasa rin ang Roma sa industriya ng pagbabarko para sa suplay nito ng pagkain. Palibhasa’y may populasyon na mga isang milyon, ang kailangang butil ng Roma ay napakarami—sa pagitan ng 250,000 at 400,000 tonelada sa isang taon. Saan galing ang lahat ng butil na ito? Sinipi ni Flavius Josephus ang sinabi ni Herodes Agripa II na pinakain ng Hilagang Aprika ang Roma sa loob ng walong buwan ng taon, samantalang nagpadala naman ang Ehipto ng sapat na butil upang tustusan ang lunsod sa natitirang apat na buwan. Libu-libong sasakyang pandagat ang kailangan sa pagsusuplay ng butil sa lunsod na iyan.
-
-
“Mga Panganib sa Dagat”Ang Bantayan—1999 | Marso 15
-
-
Ano naman ang masasabi tungkol sa barkong sinakyan ni Pablo na nawasak sa Malta? Iyon ay isang barkong pambutil, “isang daong mula sa Alejandria na lalayag patungong Italya.” (Gawa 27:6, talababa sa Ingles) Ang mga plota para sa butil ay sariling pag-aari ng mga Griego, taga-Fenicia, at taga-Sirya, na nangangasiwa at nagtutustos sa mga ito. Gayunman, ang mga barko ay inarkila ng Estado. “Katulad sa koleksiyon ng buwis,” sabi ng mananalaysay na si William M. Ramsay, “natuklasan ng pamahalaan na mas madaling ipakontrata ang trabaho sa halip na mag-organisa ng napakalaking sistema ng mga tao at kagamitan na kailangan sa malaking serbisyong iyan.”
-