-
“Mga Panganib sa Dagat”Ang Bantayan—1999 | Marso 15
-
-
Palibhasa’y walang mga instrumento—kahit na isang kompas—ang mga maglalayag noong unang siglo ay naglalayag na ginagamit ang mga mata lamang. Samakatuwid, pinakaligtas ang paglalakbay kapag maaliwalas ang panahon—karaniwan nang mula sa pagtatapos ng Mayo hanggang sa kalagitnaan ng Setyembre. Dalawang buwan bago at pagkatapos ng panahong iyan, ang mga mangangalakal ay baka makipagsapalaran lamang sa paglalayag. Ngunit kapag taglamig, kadalasa’y natatakpan ng mga abu-abo at ulap ang mga palatandaan at ang araw sa maghapon at mga bituin sa gabi. Itinuturing na sarado (Latin, mare clausum) ang paglalayag mula Nobyembre 11 hanggang Marso 10, maliban na sa mga pagkakataon na kailangang-kailangan o apurahan. Yaong mga naglalakbay sa pagtatapos ng taglamig ay nanganganib na magpalipas ng taglamig sa isang daungan sa ibang bansa.—Gawa 27:12; 28:11.
-
-
“Mga Panganib sa Dagat”Ang Bantayan—1999 | Marso 15
-
-
Maliwanag na batid ni Pablo ang mga panganib sa paglalakbay sa dagat nang wala sa panahon. Nagbabala pa nga siya laban sa paglalayag sa pagtatapos ng Setyembre o sa pagsisimula ng Oktubre, nang sabihin niya: “Mga lalaki, sa tingin ko ay magkakaroon ng pinsala at malaking kawalan ang paglalayag hindi lamang sa kargamento at sa daong kundi maging sa ating mga kaluluwa.” (Gawa 27:9, 10) Gayunman, hindi pinansin ng opisyal ng hukbo ang mga salitang ito, at humantong ito sa pagkawasak ng barko sa Malta.
-