Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Walang Mamamatay sa Inyo”
    ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
    • “Lahat Sila ay Ligtas na Nakarating sa Lupa” (Gawa 27:27-44)

      Si Pablo habang nananalangin kasama ng mga tao sa loob ng barko. Nakayuko ang ilang pasaherong nag-aalala habang nakatingin naman sa kaniya ang iba. May mga tinapay sa ibabaw ng kahon na gawa sa kahoy.

      Siya ay “nagpasalamat sa Diyos sa harap nilang lahat.”​—Gawa 27:35

      16, 17. (a) Kailan nagkaroon ng pagkakataong manalangin si Pablo, at ano ang naging epekto nito? (b) Paano nagkatotoo ang hula ni Pablo?

      16 Matapos ang dalawang linggong punô ng takot at mapadpad sa layong 870 kilometro, nabuhayan ng loob ang mga mandaragat, posibleng dahil nakarinig sila ng mga hampas ng alon sa isang kalapít na dalampasigan. Nagbaba sila ng mga angkla mula sa popa (likurang bahagi ng barko), upang hindi maanod ang barko palayo at upang maiharap ang proa (unahang bahagi ng barko) sa dalampasigan sakaling sumadsad sila rito. Sa puntong iyon, tinangka ng mga mandaragat na tumakas sa barko pero pinigilan sila ng mga sundalo. Sinabi ni Pablo sa opisyal ng hukbo at sa mga sundalo: “Kapag hinayaan ninyong tumakas ang mga taong ito, hindi kayo maliligtas.” Ngayong medyo nakapirmi na ang barko, hinimok ni Pablo ang lahat na kumain at tiniyak ulit sa kanila na makaliligtas sila. Pagkatapos, siya ay “nagpasalamat sa Diyos sa harap nilang lahat.” (Gawa 27:31, 35) Ang pananalanging ito ni Pablo ay isang halimbawa para kina Lucas, Aristarco, at sa mga Kristiyano sa ngayon. Ang mga pampublikong panalangin mo ba ay nagsisilbing pampatibay at kaaliwan sa iba?

  • “Walang Mamamatay sa Inyo”
    ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
    • Totoo namang binanggit sa Gawa 27:27 ang “Dagat ng Adria,” pero noong panahon ni Pablo, mas malawak ang katubigang sakop ng “Adria” kumpara sa Dagat Adriatico sa ngayon. Saklaw nito ang Dagat Ionian at ang katubigan sa silangan ng Sicilia at kanluran ng Creta, kaya sakop din nito ang dagat malapit sa Malta ngayon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share