Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Napagtagumpayan ni Pablo ang Mahihirap na Kalagayan
    Ang Bantayan—1999 | Mayo 1
    • Nang sumapit ang ika-14 na gabi ng bagyo, nagulat ang mga magdaragat sa kanilang natuklasan​—20 dipa na lamang ang lalim ng tubig.a Nang makalayu-layo na, muli na naman nilang inarok ang lalim. Sa pagkakataong ito, ang lalim ng tubig ay naging 15 dipa. Malapit na ang pampang! Subalit ang magandang balitang ito ay may kaakibat na malungkot na pahiwatig. Kapag ang barko’y ipinapadpad sa magkabi-kabila sa gabi sa mababaw na tubig, baka mapahampas ito sa malalaking bato at mawasak. Mabuti na lamang at may-katalinuhang inihulog ng mga magdaragat ang mga angkla. Gusto ng ilan sa kanila na ibaba ang skiff (maliit na bangka) at sumakay rito, at magbaka-sakali sa dagat.b Subalit pinigil sila ni Pablo. Sinabi niya sa opisyal ng hukbo at sa mga kawal: “Malibang ang mga taong ito ay manatili sa daong, ay hindi kayo maliligtas.” Nakinig kay Pablo ang opisyal, at ngayon ay kakaba-kabang naghihintay sa pagbubukang-liwayway ang lahat na 276 na pasahero.​—Gawa 27:27-​32.

  • Napagtagumpayan ni Pablo ang Mahihirap na Kalagayan
    Ang Bantayan—1999 | Mayo 1
    • b Ang skiff ay ginagamit upang makarating sa pampang kapag ang barko ay nakaangkla malapit sa baybayin. Maliwanag, sinisikap ng mga magdaragat na iligtas ang kanilang sariling buhay at iwan na lamang ang iba, na mga walang kasanayan sa barko.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share