-
Mga Lansangang Romano—Mga Bantayog ng Sinaunang InhinyeriyaAng Bantayan—2006 | Oktubre 15
-
-
Mga 900 taon matapos gawin ang Appian Way, inilarawan ito ng Bizantinong istoryador na si Procopius na “kamangha-mangha.” Ganito ang isinulat niya tungkol sa malalapad na bato na siyang pinakaibabaw ng lansangan: “Bagaman napakatagal na nito at maraming sasakyan ang dumaraan dito araw-araw, hindi pa rin nagbabago ang anyo nito, ni nawawala ang kinis nito.”
-
-
Mga Lansangang Romano—Mga Bantayog ng Sinaunang InhinyeriyaAng Bantayan—2006 | Oktubre 15
-
-
Gayunpaman, nagplano at naglakbay sa malalayong lugar ang mga Kristiyanong ebanghelisador. Nakaugalian ni apostol Pablo, gaya ng kaniyang mga kapanahon, na maglakbay sa dagat kapag patungo siya sa silangan, upang samantalahin ang hanging humihihip sa direksiyong iyon. (Gawa 14:25, 26; 20:3; 21:1-3) Sa Mediteraneo, ito ay humihihip mula sa kanluran sa mga buwan ng tag-init. Pero kapag naglalakbay pakanluran si Pablo, madalas siyang dumaan sa mga lansangang Romano. Ganiyan ang ginawa ni Pablo sa kaniyang ikalawa at ikatlong paglalakbay bilang misyonero. (Gawa 15:36-41; 16:6-8; 17:1, 10; 18:22, 23; 19:1)a Noong mga 59 C.E., naglakbay si Pablo sa Appian Way patungong Roma at sinalubong siya ng kaniyang mga kapananampalataya sa abalang Appii Forum, o Pamilihan ng Apio, 74 na kilometro sa timog-silangan ng Roma. Ang iba naman ay naghintay sa kaniya sa lugar ng pahingahan na Tatlong Taberna, 14 na kilometro lamang ang layo mula sa Roma. (Gawa 28:13-15) Noong mga 60 C.E., masasabi ni Pablo na ang mabuting balita ay naipangaral na sa “buong sanlibutan” na kilala noon. (Colosas 1:6, 23) Ang sistema ng mga lansangan ay may bahagi rito.
-
-
Mga Lansangang Romano—Mga Bantayog ng Sinaunang InhinyeriyaAng Bantayan—2006 | Oktubre 15
-
-
[Larawan sa pahina 17]
Sinalubong si Pablo ng kaniyang mga kapananampalataya sa abalang Appii Forum, o Pamilihan ng Apio
-