Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Si Jehova ang Ating Katulong
    Ang Bantayan—2004 | Disyembre 15
    • 20, 21. Sa anu-anong kalagayan napalakas ng mga kapatid mula sa Roma si apostol Pablo?

      20 Lalo nang nakaaantig ang mga ulat tungkol sa pagsisikap ng mga lingkod ni Jehova na palakasin at patibaying-loob ang isa’t isa. Tingnan ang isang halimbawa sa nangyari kay apostol Pablo. Nang maglakbay patungong Roma bilang isang bilanggo, binagtas ni Pablo ang lansangang-bayan ng Roma na kilala bilang Daang Apio. Ang huling bahagi ng paglalakbay ay lalo nang di-kanais-nais, sapagkat kinailangang dumaan ang mga naglalakbay sa isang latian at mababang lugar.a Batid ng mga kapatid sa kongregasyon sa Roma na darating si Pablo. Ano kaya ang gagawin nila? Maghihintay na lamang ba sila sa kanilang maalwang mga tahanan sa lunsod hanggang sa dumating si Pablo at saka nila siya sasalubungin?

      21 Sinasabi sa atin ng manunulat ng Bibliya na si Lucas, na sumama kay Pablo sa paglalakbay, kung ano ang nangyari: “Mula roon [sa Roma] ang mga kapatid, nang marinig nila ang balita tungkol sa amin, ay pumaroon upang salubungin kami hanggang sa Pamilihan ng Apio at sa Tatlong Taberna.” Nakikini-kinita mo ba ang tagpo? Nang malaman na paparating si Pablo, isang delegasyon ng mga kapatid ang naglakbay mula sa Roma upang salubungin siya. Isang bahagi ng delegasyon ang naghihintay sa Pamilihan ng Apio, ang kilalang hintuan sa labas ng Roma mga 74 na kilometro ang layo. Ang iba pa sa mga kapatid ay naghihintay naman sa Tatlong Taberna, isang pahingahan sa labas ng lunsod na may layong mga 58 kilometro. Ano ang naging reaksiyon ni Pablo? Iniulat ni Lucas: “Nang makita sila, si Pablo ay nagpasalamat sa Diyos at nagkaroon ng lakas ng loob.” (Gawa 28:15) Gunigunihin mo​—napalakas at naaliw na si Pablo nang makita pa lamang ang mga kapatid na iyon na nagsikap maglakbay nang gayon kalayo! At sino ang pinasalamatan ni Pablo sa tulong na ito? Pinasalamatan niya ang isa na nasa likod nito, ang Diyos na Jehova.

  • Si Jehova ang Ating Katulong
    Ang Bantayan—2004 | Disyembre 15
    • a Nagkomento ang makatang Romano na si Horace (65​—8 B.C.E.), na gumawa ng gayunding paglalakbay, tungkol sa mga hirap na dinanas niya sa bahaging iyon ng paglalakbay. Inilarawan ni Horace ang Pamilihan ng Apio na “siksik sa mga bangkero at kuripot na mga tagapag-ingat ng taberna.” Inireklamo niya ang “kasumpa-sumpang mga niknik at palaka” at ang “napakaruming” tubig.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share