Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang “mga Panahon ng Pagsasauli” ay Malapit Na!
    Ang Bantayan—2000 | Setyembre 1
    • ANG atas na iyan ay hindi matatapos sa loob lamang ng ilang araw, linggo, o mga buwan. Gayunman, karaka-rakang nagsimulang mangaral ang mga alagad. Ngunit hindi sila nawalan ng interes sa paksa tungkol sa pagsasauli. Sa isang malaking pulutong na natitipon sa Jerusalem, nagsalita si apostol Pedro hinggil dito, na sinasabi: “Magsisi kayo . . . at manumbalik upang mapawi ang inyong mga kasalanan, upang ang mga kapanahunan ng pagpapanariwa ay dumating mula sa persona ni Jehova at upang isugo niya ang Kristo na hinirang para sa inyo, si Jesus, na kailangang panatilihin nga ng langit sa looban nito hanggang sa mga panahon ng pagsasauli ng lahat ng mga bagay na tungkol dito ay nagsalita ang Diyos sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta ng sinaunang panahon.”​—Gawa 3:19-21.

      Ang “mga panahon ng pagsasauli” na ito ay magdadala ng “mga kapanahunan ng pagpapanariwa” mula kay Jehova. Ang inihulang pagsasauli ay darating sa dalawang yugto. Una, magkakaroon ng nakapananariwang espirituwal na pagsasauli, na kasalukuyan na ngayong nagaganap. Ikalawa, ito ay susundan ng pagtatatag ng isang pisikal na paraiso sa lupa.

  • Ang “mga Panahon ng Pagsasauli” ay Malapit Na!
    Ang Bantayan—2000 | Setyembre 1
    • Isang malawakang kampanya ang isinagawa upang turuan ang mga tao ng lahat ng bansa na tuparin ang mga bagay na iniutos ni Kristo na gawin ng kaniyang mga tagasunod. (Mateo 28:20) Tunay ngang nakagiginhawang makita ang ilan na dating nagpapamalas ng tulad-hayop na mga katangian na nagbago ng kanilang pangmalas! Hinubad nila ang lumang pagkatao, na nagluluwal ng mga ugaling tulad ng “galit,” “mapang-abusong pananalita,” at “malaswang pananalita,” at isinuot ang bagong pagkatao, “na sa pamamagitan ng tumpak na kaalaman ay ginagawang bago alinsunod sa larawan ng [Diyos] na lumalang nito.” Sa espirituwal na diwa, ang mga salita ni propeta Isaias ay natutupad na ngayon: “At ang lobo [isang taong dating nagpapakita ng tulad-lobo na pag-uugali] ay tatahan ngang sandali kasama ng lalaking kordero [isang taong nagpapamalas ng maamong disposisyon], at ang leopardo ay hihigang kasama ng batang kambing, at ang guya at ang may-kilíng na batang leon at ang patabaing hayop ay magkakasamang lahat.”​—Colosas 3:8-10; Isaias 11:6, 9.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share