Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang “mga Panahon ng Pagsasauli” ay Malapit Na!
    Ang Bantayan—2000 | Setyembre 1
    • ANG atas na iyan ay hindi matatapos sa loob lamang ng ilang araw, linggo, o mga buwan. Gayunman, karaka-rakang nagsimulang mangaral ang mga alagad. Ngunit hindi sila nawalan ng interes sa paksa tungkol sa pagsasauli. Sa isang malaking pulutong na natitipon sa Jerusalem, nagsalita si apostol Pedro hinggil dito, na sinasabi: “Magsisi kayo . . . at manumbalik upang mapawi ang inyong mga kasalanan, upang ang mga kapanahunan ng pagpapanariwa ay dumating mula sa persona ni Jehova at upang isugo niya ang Kristo na hinirang para sa inyo, si Jesus, na kailangang panatilihin nga ng langit sa looban nito hanggang sa mga panahon ng pagsasauli ng lahat ng mga bagay na tungkol dito ay nagsalita ang Diyos sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta ng sinaunang panahon.”​—Gawa 3:19-21.

  • Ang “mga Panahon ng Pagsasauli” ay Malapit Na!
    Ang Bantayan—2000 | Setyembre 1
    • Gaya ng tinukoy ni apostol Pedro sa pulutong na iyon sa Jerusalem, ‘pinanatili [ng langit] si Jesus sa looban nito.’ Ito ang kalagayan hanggang noong 1914, nang tanggapin ni Jesus ang kaniyang maharlikang kapangyarihan at nagsimulang magpuno bilang hinirang na Hari ng Diyos. Inihula ni Pedro na sa panahong iyan ay ‘isusugo’ ni Jehova ang kaniyang Anak sa diwa na Kaniyang pahihintulutan si Jesus na isakatuparan ang kaniyang papel bilang pangunahing tauhan sa mga layunin ng Diyos. Inilalarawan ng Bibliya ang pangyayari sa makasagisag na pananalita: “At nagsilang [ang makalangit na organisasyon ng Diyos] ng isang anak na lalaki, isang lalaki, [ang Kaharian ng Diyos sa mga kamay ni Jesu-Kristo] na magpapastol sa lahat ng mga bansa taglay ang isang tungkod na bakal.”​—Apocalipsis 12:5.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share