Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pagbabalik sa Dati—‘Ginagawang Bago ni Jehova ang Lahat’
    Maging Malapít kay Jehova
    • 3. Anong nakaaaliw na pag-asa ang nakabalangkas sa Gawa 3:21, at paano ito isasakatuparan ni Jehova?

      3 Kung gayon, kay laking kaaliwan nga na malaman ang tungkol sa kapangyarihan ni Jehova na magbalik ng mga bagay-bagay! Gaya ng makikita natin, kagila-gilalas ang lawak ng kayang ibalik ng Diyos at ng talagang ibabalik niya sa kaniyang mga anak sa lupa. Sa katunayan, ipinapakita ng Bibliya na layunin ni Jehova na “ibalik sa dati ang lahat ng bagay.” (Gawa 3:21) Upang maisagawa ito, gagamitin ni Jehova ang Mesiyanikong Kaharian, na pinamamahalaan ng kaniyang Anak na si Jesu-Kristo. Ipinakikita ng katibayan na ang Kahariang ito ay nagsimula nang mamahala sa langit noong 1914.a (Mateo 24:3-14) Tingnan natin ang ilang kamangha-manghang bagay na ginagawang bago ni Jehova. Ang isa sa mga ito ay nakikita at nararanasan na natin. Ang iba naman ay sa hinaharap pa magaganap sa malawakang paraan.

  • Pagbabalik sa Dati—‘Ginagawang Bago ni Jehova ang Lahat’
    Maging Malapít kay Jehova
    • a Sinimulang “ibalik sa dati ang lahat ng bagay” nang itatag ang Mesiyanikong Kaharian na ang nakaupo sa trono ay ang tagapagmana ng tapat na si Haring David. Ipinangako ni Jehova kay David na isa sa mga tagapagmana niya ang mamamahala magpakailanman. (Awit 89:35-37) Subalit matapos wasakin ng Babilonya ang Jerusalem noong 607 B.C.E., walang taong inapo ni David ang naupo sa trono ng Diyos. Si Jesus, na isinilang sa lupa bilang isang tagapagmana ni David, ay naging ang malaon-nang-ipinangakong Hari nang siya’y iniluklok sa langit.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share