Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga “Hindi Nakapag-aral at Pangkaraniwan”
    ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
    • 18. Ano ang ginawa ng mga miyembro ng kongregasyon sa Jerusalem para sa isa’t isa?

      18 Di-nagtagal, ang bilang ng miyembro ng bagong-tatag na kongregasyon sa Jerusalem ay lumago sa mahigit 5,000.d Sa kabila ng iba’t ibang pinagmulan ng mga alagad, “nagkakaisa ang puso at isip” nila. Nagkakaisa sila sa kaisipan at pagpapasiya. (Gawa 4:32; 1 Cor. 1:10) Hindi lang nanalangin ang mga alagad kay Jehova na pagpalain ang pagsisikap nila. Tinulungan din nila ang isa’t isa kapuwa sa espirituwal at, kung kinakailangan, sa materyal. (1 Juan 3:16-18) Halimbawa, ibinenta ng alagad na si Jose, na binigyan ng mga apostol ng apelyidong Bernabe, ang kaniyang lupain at walang pag-iimbot na iniabuloy ang buong halaga upang tulungan ang mga nanggaling sa malalayong lupain na manatili pa sa Jerusalem para matuto sila nang higit tungkol sa kanilang bagong pananampalataya.

  • Mga “Hindi Nakapag-aral at Pangkaraniwan”
    ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
    • d Maaaring mayroon lamang mga 6,000 Pariseo at mas maliit na bilang ng mga Saduceo sa Jerusalem noong 33 C.E. Maaaring isa pang dahilan ito kung bakit lubhang nabahala ang dalawang grupong ito sa mga turo ni Jesus.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share