Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bernabe—Ang “Anak ng Kaaliwan”
    Ang Bantayan—1998 | Abril 15
    • Di-nagtagal pagkatapos ng Pentecostes 33 C.E., nagkusa si Bernabe, isang Levita mula sa Ciprus, na ipagbili ang ilang lupain at ibinigay ang pinagbilhan sa mga apostol. Bakit niya ginawa ito? Sinasabi sa atin ng ulat sa mga Gawa na sa mga Kristiyanong nasa Jerusalem noon, “ginagawa ang pamamahagi sa bawat isa, ayon sa kaniyang pangangailangan.” Maliwanag na nakita ni Bernabe na may pangangailangan, at buong-pagkaawang gumawa siya ng paraan. (Gawa 4:34-​37) Marahil ay isa siyang lalaking nakaririwasa, subalit hindi siya nag-atubiling ihandog kapuwa ang kaniyang materyal na tinatangkilik at ang kaniyang sarili para sa ikasusulong ng kapakanan ng Kaharian.b “Saanman masumpungan ni Bernabe ang mga tao o ang mga kalagayang nangangailangan ng pampatibay-loob, ibinibigay niya ang lahat ng pampatibay-loob na kaya niyang ibigay,” sabi ng iskolar na si F. F. Bruce. Ito’y kitang-kita sa ikalawang pangyayari na doo’y naroroon siya.

  • Bernabe—Ang “Anak ng Kaaliwan”
    Ang Bantayan—1998 | Abril 15
    • b Sa pagsasaalang-alang ng itinakda sa Batas Mosaiko, ang ilan ay nagtanong kung paanong si Bernabe, na isang Levita, ay nagkaroon ng pag-aaring lupain. (Bilang 18:20) Gayunman, mapapansin na hindi naging maliwanag kung ang pag-aari ay nasa Palestina o nasa Ciprus. Isa pa, posible na ito’y isa lamang lugar na pinaglilibingan na nabili ni Bernabe sa dako ng Jerusalem. Anuman ang pangyayari, ibinigay ni Bernabe ang kaniyang pag-aari upang makatulong sa iba.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share