-
“Dapat Naming Sundin ang Diyos Bilang Tagapamahala”‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
-
-
7, 8. Ano ang malamang na naging epekto sa mga apostol ng utos ng anghel, at ano ang makakabuting itanong natin sa ating sarili?
7 Habang nasa bilangguan at naghihintay ng paglilitis, maaaring iniisip din ng mga apostol na baka ito na ang huling sandali ng kanilang buhay. (Mat. 24:9) Pero nang gumabi na, isang di-inaasahang pangyayari ang naganap—“binuksan ng anghel ni Jehova ang mga pinto ng bilangguan.”b (Gawa 5:19) Pagkatapos ay tinagubilinan sila ng anghel: “Pumunta kayo sa templo, at patuloy ninyong sabihin sa mga tao ang lahat ng pananalita tungkol sa buhay.” (Gawa 5:20) Dahil sa utos na iyan, natiyak ng mga apostol na tama ang kanilang ginagawa. Ang mga salita ng anghel ay malamang na nagpatibay sa kanila na manatiling matatag anuman ang mangyari. Taglay ang matibay na pananampalataya at lakas ng loob, “pumasok [ang mga apostol] sa templo nang magbukang-liwayway at nagsimulang magturo.”—Gawa 5:21.
-