-
Ang Sinaunang mga Eskriba at ang Salita ng DiyosAng Bantayan—2007 | Marso 15
-
-
Mga Eskriba sa Sinaunang Israel
Lumaki si Moises bilang miyembro ng sambahayan ni Paraon. (Exodo 2:10; Gawa 7:21, 22) Ayon sa mga eksperto tungkol sa sinaunang Ehipto, malamang na kasama sa edukasyon ni Moises ang pagpapakadalubhasa sa pagbasa at pagsulat ng wikang Ehipsiyo at ang pag-aaral ng ilang kasanayan ng mga eskriba. Ganito ang sinabi ni Propesor James K. Hoffmeier sa kaniyang aklat na Israel in Egypt: “May ebidensiya para maniwala sa pahiwatig ng Bibliya na may kakayahan si Moises na magtala ng mga pangyayari at mga paglalakbay, at gumanap ng iba pang mga trabaho ng eskriba.”b
-
-
Ang Sinaunang mga Eskriba at ang Salita ng DiyosAng Bantayan—2007 | Marso 15
-
-
b Masusumpungan sa Exodo 24:4, 7; 34:27, 28; at Deuteronomio 31:24-26 ang pagtatala ni Moises ng mga bagay na may kinalaman sa batas. Mababasa sa Deuteronomio 31:22 ang isang awit na kaniyang itinala, at binanggit naman sa Bilang 33:2 ang kaniyang ulat hinggil sa paglalakbay sa ilang.
-