Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Binautismuhan ni Felipe ang Isang Etiopeng Opisyal
    Ang Bantayan—1996 | Hulyo 15
    • SAMANTALANG nakasakay sa kaniyang karo, may katalinuhang ginagamit ng isang Etiope ang kaniyang panahon. Siya ay nagbabasa nang malakas​—isang karaniwang kaugalian ng mga unang-siglong manlalakbay. Ang lalaking ito ay isang opisyal na “nasa kapangyarihan sa ilalim ni Candace na reyna ng mga Etiope.”a Siya ang “namamahala sa lahat ng kaniyang kayamanan”​—sa katunayan, siya ay isang ministro sa pananalapi. Ang opisyal na ito ay nagbabasa buhat sa Salita ng Diyos upang magkamit ng kaalaman.​—Gawa 8:27, 28.

  • Binautismuhan ni Felipe ang Isang Etiopeng Opisyal
    Ang Bantayan—1996 | Hulyo 15
    • a Ang “Candace” ay hindi isang pangalan kundi isang titulo (gaya ng “Faraon” at “Cesar”) na kapit sa sunud-sunod na mga reynang Etiope.

  • Binautismuhan ni Felipe ang Isang Etiopeng Opisyal
    Ang Bantayan—1996 | Hulyo 15
    • Bakit Tinawag na Bating?

      Sa buong salaysay sa Gawa kabanata 8, ang Etiope ay tinukoy bilang isang “bating.” Subalit, yamang ang Kautusang Mosaiko ay hindi tumatanggap ng isang lalaking kapon sa loob ng kongregasyon, maliwanag na ang lalaking ito ay hindi bating sa literal na diwa. (Deuteronomio 23:1) Ang Griegong salita para sa “bating” ay maaaring tumukoy sa isang tao na may mataas na tungkulin. Kaya naman ang Etiope ay isang opisyal sa ilalim ng reyna ng Etiopia.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share