-
“Nakaranas ng Isang Yugto ng Kapayapaan” ang Kongregasyon‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
-
-
12 Masunuring tinanggap ni Ananias ang atas at pinagpala naman siya. Sinusunod mo ba ang utos na lubusang magpatotoo, kahit na medyo mahirap ang atas na ito para sa iyo? Ang ilan ay nahihirapang magbahay-bahay at makipag-usap sa mga hindi nila kilala. Hamon naman para sa iba ang mangaral sa mga tao sa lansangan, lugar ng negosyo, o sa pamamagitan ng telepono o sulat. Napagtagumpayan ni Ananias ang kaniyang takot, at nagkapribilehiyo siyang tulungan si Saul na tanggapin ang banal na espiritu.b Nagtagumpay si Ananias dahil nagtiwala siya kay Jesus at itinuring niyang kapatid si Saul. Tulad ni Ananias, mapagtatagumpayan din natin ang ating takot kung magtitiwala tayong pinangangasiwaan ni Jesus ang gawaing pangangaral, magkakaroon tayo ng empatiya sa mga tao, at ituturing nating potensiyal na mga kapatid maging ang mga indibidwal na nakakatakot lapitan.—Mat. 9:36.
-
-
“Nakaranas ng Isang Yugto ng Kapayapaan” ang Kongregasyon‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
-
-
b Karaniwan nang ibinibigay ang mga kaloob ng banal na espiritu sa pamamagitan ng mga apostol. Pero sa pambihirang sitwasyong ito, lumilitaw na binigyan ni Jesus ng awtoridad si Ananias para ibigay ang mga kaloob ng espiritu kay Saul. Matapos siyang makumberte, matagal siyang walang pakikipag-ugnayan sa kaninuman sa 12 apostol. Pero malamang na aktibo pa rin siya sa buong panahong iyon. Kaya lumilitaw na tiniyak ni Jesus na taglay ni Saul ang kapangyarihang kailangan niya para maisakatuparan ang atas niyang mangaral.
-