Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Italyano, Pangkat na
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • ITALYANO, PANGKAT NA

      Isang yunit ng hukbong Romano kung saan naglingkod si Cornelio ng Cesarea bilang isang senturyon. Sa kaisa-isang pagbanggit ng Bibliya sa pananalitang ito, sinasabing si Cornelio ay “isang opisyal ng hukbo ng pangkat na Italyano, gaya ng tawag dito.” (Gaw 10:1) Malamang na isa itong cohort, anupat tinawag nang gayon upang ipakitang iba pa ito sa karaniwang mga hukbong Romano. Ang isang cohort ay binubuo ng mga 600 lalaki, samakatuwid nga, mga ikasampu ng dami ng isang hukbo. Gaya ng ipinahihiwatig ng pangalan nito, malamang na ang cohort na ito ay binubuo ng mga boluntaryo na kinalap sa Italya, anupat ang mga iyon ay may pagkamamamayang Romano alinman bilang mga taong ipinanganak na malaya o bilang mga taong pinalaya.

      Hindi sinasabi ng kasulatan na nakahimpil sa Cesarea ang pangkat na Italyanong ito. Sinasabi lamang nito na si Cornelio, isa sa mga opisyal ng hukbo nito, ay tumatahan sa Cesarea.​—Gaw 10:1, 2, 22, 24.

  • Italya
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Si Cornelio, tiyak na isang Italyano at isang opisyal ng hukbo ng “pangkat na Italyano,” ay may tahanan sa Cesarea. (Gaw 10:1) Noong nililitis si Pablo sa Cesarea sa harap ni Festo, iniapela niya kay Cesar ang kaniyang kaso. Pagkatapos ay isinakay siya sa barko patungong Mira, at doon ay inilipat siya, kasama ng iba pang mga bilanggo, sa isang barko na may lulang mga butil mula sa Alejandria na patungong Italya. (Gaw 25:6, 11, 12; 27:1, 5, 6) Palibhasa’y nawasak ang barko sa biyahe, kinailangan nilang magpalipas ng taglamig sa pulo ng Malta. Pagkatapos, malamang na noong tagsibol ng 59 C.E., unang nakatuntong si Pablo sa Italya sa Regio na nasa “hinlalaki” ng Italya, at di-nagtagal pagkatapos nito ay bumaba siya sa Puteoli sa Look ng Pozzuoli (Naples). Dito, na mahigit 160 km (100 mi) sa T ng Roma, tumigil si Pablo nang isang linggo kasama ng lokal na kongregasyon bago siya pumaroon sa Roma sa pamamagitan ng Appian Way, anupat bago pa siya nakarating sa lunsod, sinalubong siya ng mga kapatid na nanggaling sa Roma sa “Pamilihan ng Apio at sa Tatlong Taberna.” (Gaw 28:11-16) Malamang, sa pagtatapos ng unang pagkabilanggo ni Pablo sa Roma, o di-katagalan matapos siyang palayain noong mga 61 C.E., isinulat niya ang aklat ng Mga Hebreo habang nasa Italya pa siya.​—Heb 13:24.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share